Thank You LORD

Posted on at


Salamat at ako'y isinilang sa mundo.
Binigyan ng buhay ang isang katulad ko.
Ipinakita mo ang kagandahan nito
Sa pamamagitan ng mga bagay ng ginawa mo.
Salamat sa dunong na ibinigay mo.
At busilak na pusong itinanim mo
Ako'y lubos na nasisiyahan.
Na ako'y isang biyayang galing sayo.
Sana'y makamit ko ang ninanais mo.
Sa tamang pamamaraang naaayon sayo.
Pagmamahal at tiwalang ipinagkaloob mo.
Kaya ako'y nasa harap mo't maglilingkod sayo.
Salamat Panginoo, Salamat po...
Ako'y lubos na magpupuri sayo
Sa kapangyarihang pinamalas mo
Sa buong tanang buhay ko.
Sa lahat ng pagpapala mo
Na ngayo'y tinatamasa ko
Nawa'y maibahagi ko ang mga ito
Sa mga taong pinakamamahal mo.

 ◕‿◕

 



About the author

shy_melkie

Simple woman with simple dreams.

Subscribe 4067
160