The Challenge So Far

Posted on at


Haller, mga ka-bits! Blog 34 na itey! I bet hindi mo pa nababasa ang blog 33 na tungkol sa macaroni salad no? Aba! Basahin mo yun para masaya. I-click mo ang picture na ito para makarating dun (oo, pwede maglagay ng link sa picture, ngayon ko lang na-discover... hong saya no?):

 

Syempre related yang picture na yan sa blog number 33. Hindi ko yan ieexplain dito. Ang redundant naman kasi kung gagawin ko yun diba? Nasa kabilang blog na yan. Anyway, kung hindi mo naman feel eh keribelles lang. Hindi naman ito parang college na may pre-requisite subjects.

Ay pero actually, meron pala. Merong pre-requisite. Pero hindi yang blog na yan na tungkol sa macaroni salad. Haha. Ang pre-requisite ng blog na ito ay ang blog ni Migi: The Naked Mile Yan ang dapat mong basahin para ma-gets ito. Kung nabasa mo na yan eh hindi mo na kailangan basahin ang next paragraph, derecho na kayo dun sa "Ang Mga Kaganapan Na Ngayon". Pero para sa mga matitigas ang ulo na ayaw bashin ang pre-requisite assignment: Bagsak na kayo! Hindi, joke lang shempre. Haha.

Ganito kasi yan, si Krades, ang dakilang hubadero ng bitlandia, ay nakapagbigay ng idea kay Migi na gumawa ng Naked Mile challenge. Ang challenge ay ganito: Since si Krades ang pinakaunang walang saplot na avatar, mangde-dare siya ng ibang tao na gawin din yun sa avatar nya.Tapos pag nagawa na ng taong yun, pwede na siyang mang-challenge sa iba. Pag nagawa na ng na-challenge nya, pwede na ulit siya maglagay ng damit sa avatar niya. Kung gusto niya syempre. Kung feel niya na na walang saplot avatar niya at gann niya ka-idol si Krades, hala, eh di sige. Haha. So anyway...

 Ang Mga Kaganapan Na Ngayon

Actually, natuwa ako dito masyado at nasubaybayan ko from the start. Paano ba namang hindi eh ako yung unang chinallenge ni Krades. Mokong na yun. At yun na nga, naisipan kong gawan siya ng chart. Oo, chart talaga! Ito oh:

Oh diba ang bongga? Eh kung ginagamit ko ba naman ang mga ganitong organizational skills ko sa ibang bagay eh di ang galing sana diba? But no! Gumagana lang ang hilig kong gumawa ng ganyan sa mga kalokohan. Tulad nyan. Color coded pa yan. Para updated kayong lahat. Ang naka-orange, syempre, yan ang master ng mga undies. Tapos yung mga naka-red yung mga nag-accept ng challenge. The rest, self-explanatory na, pero bibigay pa din ako ng example, para madali:

So as you can see from the chart (kunwari may laser pointer pa ako para office meeting ang dating hahaha), Ang chinallenge ni Krades ay ako, at syempre pinasa ko agad kay Migi. Pagkatapos si Migi ay dinare si Pshone, PinkCat at Jie, at sa kanilang tatlo, si Jie ang bonggang bonggang nag-game! Si Jie ay dinare sila Riza, Grace at Yuukidha, at go naman silang tatlo at may kanya kanya na silang chinallenge.

Kaya kung gusto mo makakita ng mga walang saplot na avatar, yang mga naka-red ang dalawin mo. Karamihan sa kanila nawili na sa stars stars na undies ni bit at hindi na nagbihis ulit kahit tinanggap naman na ang challenge nila. 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160