Tungkol Pa Din Sa Drawing Skillz Ni G2

Posted on at


Hops! Bago ang lahat, Happy Easter sa inyo mga ka-bits! Kung hindi ka naman nagce-celebrate ng Easter, keribelles lang, bigyan pa din kita ng Easter eggs, huwag mo na lang isipin na Easter eggs sila, isipin mo na lang binigyan kita ng makulay na itlog dahil trip ko lang, oh eto na, saluhin mo ha:

Okay so tapos na ako mamigay ng mga colorful eggs, pagusapan na natin ulit ang drawing skillz ko. Kung hindi mo nabasa ang first part, eto na ang link, click mo na lang ito para masaya. Oh di ba ang saya? Nakita mo na ang tunay na galing ko sa pag-drawing? Hahaha.

Pero actually, hindi doon nagtatapos ang kwento ko. Dahil nga nalerkey ako sa pangit ng unang drawing ko ng car para kay cutie pie 1, naisipan kong magdrawing ulit. Sabi ko baka naman hindi talaga ako ganun ka-pangit mag-drawing, glitch lang kumbaga, parang si bitlandia minsan haha. So ito na ang pangalawang attempt ko magdrawing ng car:

Oh ha! Ang galing... walang pagbabago. Kalerkey. Pero shempre dahil never give up ang peg ko, sinabi ko sa sarili ko baka kailangan ibahin ko lang tools na gamit ko, so nag-try akong kapalan muna yung lines na ginagamit ko, baka sakaling gumanda ang ending:

Ayan. Wala pa din. Hahaha. In fairness, habang ginagawa ko ang iba't ibang version ko ng chaka na car, si Cutie Pie 1, tuwang tuwa pa din. Saya lang ng may fan na uto-uto eh. So chineck ko na lang din kung nag-pe-pay ng attention ba ang mokong at ito ang sunod na drinowing ko:

In fairness, pagkakita nya nung may red at blue sa taas sabi niya agad "Police Car!" with matching clap clap. Sarap talaga ng may nauuto! Hahaha. So bilang finale ko, naisip ko na papahirapan ko ang mokong, tignan natin kung gaano siya kagaling mag-decipher ng mga chaka na drawing ng nanay niya, ito ang aking final drawing mga ka-bits:And amazingly, pagkatapos ko magdrawing sabi agad ni cutie pie 1 "Airplane!". Hahaha! Ayos ang training ni cutie pie 1 no? Mas mahirap pa keysa mag-decipher ng captcha eh... next time si cutie pie 2 naman i-te-train ko. Haha.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160