Walang Ka-Etchos Etchos Na Blog (Dahil NakaMobile Ako)

Posted on at


Homaygash. Grabe itey. Kakaiba ang feeling. Gagawa ako ng blog na walang mga etchos o eklat, o eklavus, o chorvas. Plain na plain na blog. Nakakapanibago naman. Ang weird kasi parang napaka-naked ng blog na ito. Oh well. Mas okay na na ang blog ang naked kaysa ako diba? So scandalous! Haha.

Ang dahilan kung bakit walang ka-eme eme ang blog na itey ay dahil naka-mobile lang ako ngayon. So ang hirap naman dagdagan ng etchosness eh karamihan ng mga separator etchos ko naka-save sa PC. Hindi pa naman ako spontaneous na tao. Ang hirap bang paniwalaan nun? Hmm, mejo noh? Kasi parang ang gulo gulo ng mga blogs ko so parang ang dating eh tinatype ko lang kung anong kalokohan pumapasok sa isip ko sabay pindot sa publish tapos tapos na...

Well, ang totoo, tama lang yun dun sa part na tinatype ko kung ano maisip kong kalokohan. Pero actually after nun hindi pa ako satisfied. Gusto ko kasi may mga arte arte pa para gumanda itsura ng blog. Nakakataas ba yun ng score pag maraming eklat? Well, hindi ko sure. Parang oo na parang hindi. Haha. Hindi naman kasi pagpapataas ng score ang habol ko sa paglagay ng etchoses eh. Masaya lang talaga sya gawin.

Tsaka gusto ko kasi maaliw yung nagbabasa. Eh di ba mas masaya magbasa pag may picture picture o kulay kulay o kung ano ano pa? Kasi parang textbook pag walang drawing o picture eh, pero pag meron, parang comics lang haha. Mahilig ako nyang mga comics, pero yung pang sosyal kaya graphic novels ang tawag. Tsaka manga... Especially yung hentai. Ay hindi... Joke lang yang hentai na yan. Pag bumaba ang score ko bukas panigurado dahil yan sa H word (hindi ko na ime-mention ulit kasi makaka-three strikes na ako haha).



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160