Ako Ang Legal Wife (Girl In Shades)

Posted on at


Today ay babalik muna ako sa pagiging "aktibibo" na ka-bit dito. Susulat muna ulit ng blog in Tagalog. Buti na lang at naalala ko ang aking nakakatawang panaginip last night.

 

 

Kagabi ay ang weird na naman ng panaginip ko. Aba, at nandun si Victor. Kung familiar kayo sa teleserye na Two Wives, alam nyo na si Victor ay ang salawahang husband ni Yvonne. 

Di ko na rin matandaan yung ibang tao na nasa panaginip ko na yon. Ang natatandaan ko lang ay nakita ko din si erpat ko dun.

Ito ang eksena: Kagulat-gulat na pinapakilala ko sa tatay ko si Victor (si Jason Abalos mismo :D). Napaisip ako kung bakit ko siya pinapakilala sa aking tatay. At ang nakakagulat pa ay nang inabot sa akin ni Victor/Jason ang limang libong piso at sabi nyang "Mahal, ito ang sahod ko ngayon" (Sakto pa na payday nga pala kahapon, hahahaha). Sa aking isip ay ang pagtatanong kung bakit ako ang pinag-reremitan ng kanyang sahod ng lalaki na yon, at nasagot ang aking tanong nang may nagsabing ako daw pala ang legal wife ni Victor, hindi si Yvonne at lalong hindi si Janine.

Hay naku, enebenemeng panaginip yun. Hahahaha.



About the author

Lonie

I am a music lover... a woman who thanks God every second of my life for His unconditional love.

Subscribe 0
160