Ano to? Captcha? Hindi, blog po ito.

Posted on at


May mga nakapansin siguro sa inyo na kahapon ay bonding time ko with Cutie Pie 1 dahil sa mga MB ko. In short, yaya mode ako yesterday (kung maka-yesterday, akala mo sosyal. Sige na pagbigyan nyo na ka-eklatan ko).


Ay, teka kailangan ko pa pala i-explain sino si Cutie Pie 1, akala ko kasi bula to na kilala nyo na kung sino sya. Ang etchusera ko talaga. Si Cutie Pie 1 ay ang baby boy ko na almost 2 years old na. Si Cutie Pie 2 ang baby girl ko na 8 months old. One year and 2 months lang ang pagitan nila. Kami na ni hubby ang masipag.


So anyway, since bonding mode nga kami ni Cutie Pie 1 kahapon, eh kailangan i-entertain ko sya diba? Eh bilang adik ako sa computer, nagsulat sulat na lang ako sa MS paint at pina-identify sa kanya ang letters and numbers. Ito ang sample ng ginawa ko:



Oh, diba, parang captcha lang ang dating? May blurred blurred effect pa at mix ng letters and numbers. Pang anti-spam measure talaga ang effect. In fairness kay cutie Pie 1, na-identify naman niya. Ayos na yun. May captcha training na siya. Pag marunong na siya mag-type, pwede na rin siyang kumita online. Hahaha. Ang problema, iisa lang ang PC dito sa bahay. Wag na nga lang, baka magkaron pa ako ng kaagaw sa computer. Mahirap na. 


Oo nga pala, natuwa ako at naka-6th ako dun sa halloween etchos contest. Kakatuwa diba? Sana marami pang pa-contest. Sasali ulit ako pag meron, masaya eh. Anong kinalaman nun sa blog na ito? Actually wala, gusto ko lang i-announce. Bakit , bawal ba? Haha.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160