Dahil naka-ten movies na ako...

Posted on at


Kalerks. Naka ten movies na pala ako. Mejo weird pakinggan ang movies no? Pwedeng videos na lang? Para kasing pag sinabi ko na naka ten movies na ako parang director lang ang dating ko eh. Or artista, bagay, sa ganda kong ito eh hindi naman malabo mangyari yun. Chos. Ako na. Sige na pagbigyan nyo na ako, blog ko naman ito eh. 

So ayun, ang mga movies/videos na na-upload ko na here naman ang pagusapan natin. Para masaya. Kasing saya ko kapag naka isang bote na ng RH. Oo, isang bote lang, solb na ako. Mahina akong uminom eh. At least diba ako na ang poster child ng drink moderately. Drink minimally pa nga eh. Pero promise, isa lang ang saya saya ko na. Amats mode na.

Oh siya, wag na ang bisyo ang pagusapan. Movies nga diba? Ano ba.  Natuwa naman ako na nalalabas ko dito ang mga creative kalokohan ko. Artistic expression kumbaga. Haha. Frustrated kasi ako pagdating sa arts. Hindi kasi ako magaling mag-drawing. Buti na lang mahilig ako kumalikot ng photoscape at paint.net (pareho yang mga free programs na parang photoshop ang dating) so at least na-e-edit ko mga shwangit kong drawing. Oh tapos meron pa akong movie maker sa PC, oh solb na. Pwede na gumawa ng kung ano anong videos.

Pero sa sampu na nagawa ko, natuwa naman ako sa karamihan sa kanila. Nasayahan ako dun sa parang kinakain na watermelon. Na-happy din ako sa heart na tumitibok tibok. At kahit yung walang masyadong effort na doodle ko na nag-wewave wave ay ikinatuwa ko rin. Hindi nga pala si Spongebob yun ha. Kayo talaga porke't rectangle lang shape nya, Spongebob na. Original character yun. Inshort, gawa-gawa ko lang haha.

Pero sa sampung yun, ang pinaka-paborito ko so far ay ito:

Ang saya diba? Syempre, gawa ko yan eh. Yan ang shy buzzing bee. Oo, malaki siya. Giant bubuyog. Bakit hindi? Kaya siya giant kasi pag mas malaki ang bubuyog, mas maingay ang pag buzz nya. Haha. Oh diba? Gets mo na yun! Ikaw pa! LOL



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160