Get well soon Kuya Morihiko

Posted on at


 

Mahigit 12 taon , muli kaming nagkita ng aking kaibigan ... Siya si  Ate Emily at ang kanyang asawa na si Kuya Morihiko .

Malayo ang distansya ng aming lugar , kaya madalang talagang magkita ang bawat isa .. Lagi Lang kaming nagchachat , minsan nagtatawagan .

Ilang buwan ang nakakaraan , nabalitaan ko kasing nagkasakit si Kuya Morihiko na asawa ni ate Emily ng Stage 3 colon cancer ... Continuous ang pagchechemo niya sa ngayon .. Umuuwi Lang sya ng bahay pag walang chemo ...

Tinapat namin na nasa bahay silang mag asawa para mabisita at itinayming ang pagdating mula sa trabaho ni Ate Emily.. Kahapon , alas 5:00 ng hapon nagpunta kami at nagtagal kami hanggang 10:00 pm ng gabi . 

Naghanda si Ate Emily ng hapunan para sa amin .. Nagkumustahan sa kalagayan ni  Kuya .. Makikita mo sa kanya na parang walang sakit sa kabila ng natapos na operasyon at pagchechemo , May sakit pa syang Diabetes , nag inject sya sa sarili nya ng insulin . . Hanga ako sa katapangan ni Kuya Morihiko , lumalaban sya , after matapos daw ang chemo nya kasi dalawang beses na lang ay matatapos na ito , papasok na sya sa trabaho .. At every week naman daw syang magpapacheck sa ospital kaya okey Lang daw .... Syanga pala 57 years old si Kuya .. 

Ang tapang nya noh! Hindi nya iniisip ang kanyang sakit ... GET WELL SOON KUYA ! Pagdarasal ka namin na Sana bigyan ka pa ni Lord ng lakas at mahabang buhay .

 

 



About the author

160