Hati Tayo

Posted on at


Isang gabi si Juan at Pedro ay nagnakaw ng mga bayabas sa kanilang kapitbahay.

Napagpasyahan ng dalawa ng sa simenteryo nila ito paghahatian. Habang papaakyat ng gate nahulog ang dalawang bayabas...

Pedro: Juan may dalawang nalaglag!
Juan: Balikan nalang natin mamaya yan pag uwe!
Pedro: Sige sige....

Habang pinaghahatian ng dalawa ang mga bayabas papadaan si Kulas na lasing na lasing at papauwi sa kanilang bahay at sa simenteryo din ang kanyang daan.

Juan: Isa sayo... Isa sakin...
Isa sayo... Isa sakin...

Kinilabutan at hindi makapaniwala si Kulas sa kanyang narinig at dali daling pumunta kay father...

Kulas: Father! Father narinig ko po si Lucifer at ang kanyang kampon na pinaghahatian ang mga patay sa simenteryo!!!

Dahil sa kagustuhang malaman kung totoo nga ang sinasabi ni Kulas ay kaagad ngang nagtungo ang dalawa sa simenteryo.

Juan: Isa sayo... Isa sakin...
Isa sayo... Isa sakin...

Kinilabutan at nagsipagtayuan ang balahibo ng pari sa kanyang narinig at mas lumapit pa lalo upang malaman ang pinaghahatian ng dalawa...

Juan: Last nato! Isa sayo... Isa sakin... Isa sayo... Isa sakin...
Pedro: Eh panu yung dalawa dun sa gate???

Pari: Kulas!!!
Kulas: Bakit po Father?!

Pari: TAKBOOOO!!!!!

(HAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!! the end )



About the author

Lady_Irene

Your virtual family

Subscribe 2365
160