Instant Endorser ba kamo?

Posted on at


Ay matindi na talaga at malala na ako. Wahaha... Kahapon kasi, wala ako magawa kasi nga di ko magamit yung PC dahil nga day-off ni hubby. Ginamit niya muna yung PC the whole day, kaya ang kawawang ako CP muna pinagdiskitahan.

Pasensiya na sa absence...pero eto matindi. Eh kasi wala nga ako magawa kahapon, nang-adik ako sa ibang website na di ko naman talaga binibisita. Wala ako pakels at di naman ako ganun kahilig sumelfie...Pero dahil nga batong bato na ako kakapanood lang ng tv, eh sinubukan kong buksan ang aking Instagram account kuno

 

Oo, ignorante ako sa IG dahil di ko nga ginagamit. Pero dahil nga sa tawag ng panahon (lol) eh napagdiskitahan ko siya. Habang nagba-browse browse ako, may nahagip akong mga ads ng kung anu-ano. Siyempre, wala naman masama sumubok diba? LIbre naman kasi siya...eh pag nanalo ako eh di bongga (fingers-crossed)!

Kaya ayan naging instant endorser ako kunyari ng mga Unilever products. Kapal muks noh? Di ko talaga hilig magselfie...Promise! Hehehe Minsan lang kasi may mga bagay-bagay na di naman masamang subukan as long as di ka naman nakakaperwisyo sa ibang tao at LIBRE lang naman. :p

At buti pa sa IG ni-like ni bitlanders sinubmit ko! Kaloka! wahaha...dito sa site eh waley pa so far. ^_^ Pero okay lang naman. Natuwa lang ako. Siguro natuwa din siya sa pagmumukha ko. Mukhang tanga lang. hehehe ^_^

 



About the author

160