Last blog na nakamobile!

Posted on at


Hops! Kalma lang! Hindi ko planong maggoodbye forever sa bitlandia. Sa dami dami ba naman ng mga kakulitan ko ditey eh mabibitawan ko ba itey ng basta basta?! Of course not! Ayan lonie girl ha! Kumalma ka please! Haha. May special mention pa eh no? Tapos kay Riza naman, tsaka ko na gagawan ng review blog mo, kapag inamag na siya hahahaha! Sinave ko link nun wag kang magalala.

Actually sobrang dami kong gustong i-special mention, kaso para namang naging listahan na lang ng mga ka-bits ito kung iisa isahin ko kayo. Basta kayo yun. Alam nyo na kung sino sino kayo, nahalata nyo naman siguro yun sa aking mga comments na minsan eh nasosobrahan sa pagka FC (feeling close kumbaga haha) ganyan ako eh, todo bigay makipagfriendship.

Kaso ang hirap gawin yun ngayon ditey, may special project kasi ako na kailangan kong tutukan for 9mos. Oh di ba 9 months!!!! Alam nyo ba ibig sabihin nun?! Yihiiiiii....

Relax, mali iniisip mo. Hindi ako shontis once again, anubey. Hahaha. Nagkataon lang talaga 9months long ang aking kailangan atupagin. So ayun. Kailangan ko yun gawin muna, at actually pd pa naman sana ako magkatime mag-bit kasi hindi naman yun full time etchis kaso baka yung time with hubby and the cutie pies naman ang maging affected, kaya sacrifice muna itey.

Sana may bitlandia pa pag balik ko (mukhang matinong site naman ito at may balak tumagal ng longer than 9mos hehe), at sana nandito pa kayo by then. For now makikiuso muna ako at magtetemporary goodbye! Mwah!!!

 

(Extra etchos lang, ang bonggels pala kasi iiwan ko muna ang account ko na nakafreeze sa 69blogs and 690microblogs! Hahaha, tumakbo nnman ang kapilyahan ni g2!)



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160