Ito ang kasabihan na magmula pa sa kaninu-ninuan natin ay bukang-bibig na ito .

KUNG IKAW AY ISANG BABAE ay  nababagay lang ito dahil ang kalakalan ng pag-aasawa ay talagang nakasandig at umaasa lang sa lalakeng kanyang nagiging asawa .

PERO KUNG ANG KASARIAN MO AY ISANG LALAKE….ibig sabihin nito ay ayaw mong magbanat ng buto at sasandig ka na lamang sayong mapapangasawa na ikaw ay isang mahirap lamang at siya’y mayaman at makakapagbigay sayo ng ginhawa sa buhay kahit hindi kayo compatible sa lahat ng bagay .

Habang naglalakad kayo sa sa inyong lugar na alam ang katayuan mo sa buhay at sasakay ka ngayon sa isang magarang sasakyan at kasama mo ngayon ang naging asawa mo na isang mayaman ay tigas na kamamalaki mo at ikaw ay kinaiinggitan ng marami . Dahil ang akala nating lahat ay mainam at masarap at isang karangalan na ikaw ay isang mahirap lamang ay nakapag-asawa ka ng isang mayaman. Ang iba ay talagang suwerte at ang iba naman ay nagsisisi .

At Ngayon po ay matutunghayan ninyo kung bakit naging palasak ang kasabihan na ito at kung bakit sinabing…. .

Mag-asawa Ka Na Sa Isang Mahirap….Wag Lang Sa Isang Mayaman ……at kayo na ang makakapagsabi kung totoong SUWERTE NGA BA o MASARAP NGA ang makapag-asawa ng isang mayaman .

HINDI DAW SA PAGYAYABANG AT PAGBUBUHAT NG BANGKO kung makikita lang daw siya na papalapit sa studio sa isang TV station at bababa sa isang magarang sasakyan ay hindi mo iisiping pangkaraniwang tao lamang siya at sa halip ay iisipin nilang isa siyang artista . Baka raw kung makikita siya ng personal at malapitan ng mga fans ni Sam Concepcion ay magtitili ang mga ito at itanong sa kanya …..KUMUSTA NA KAYO NI JASMIN CURTIS ?.

Hindi mo iisiping isang mekaniko lamang na humahawak ng makinang may maruming langis dahil nagtataglay siya ng magandang kutis na mamula-mula..mapupungay at tila bluewish na mga mata , matangos ang ilong , mahigit 6 footer ang height na parang anak ng amerikano na kahit hindi nakabihis ng disenteng pananamit ay iisipin mong anak-mayaman talaga. Dangan nga lang sa trabaho niyang isang mekaniko ng sasakyan ay di niya maiwasang madungisan ng langis ang kanyang mukha at buong katawan at nagmumukha tuloy siyang tila isang taong grasa dahil all around ang kanyang trabaho bilang engine trouble shooter at underchasis mechanic at dahil sa dami ng trabaho at may kinakailangang tapusin at ang trabahong hindi para sa kanya ay ginagampanan na rin niya . Pero kapag tapos na ang trabaho at siya’y nakapaglinis na ng katawan ay nanunumbalik na muli ang kanyang kaguwapuan

ISANG ARAW NOON….kasalukuyan mga busy ang mga mekaniko at me kanya-kanyang mga makinang ginagawa , nang may isang tila mayaman at sosyal na babae ang pumasok sa isang pangkaraniwang Auto-Shop at magpapagawa ng kanyang magara at lumang modelo ng sasakyan na mamahalin .

Lumapit ang pinaka-chief mechanic .

GOOD MORNING PO MAM…. ano po ba ang maipaglilingkod namin sa inyo at ano po ang ipapagawa ninyo .

Eh me ingay po akong nadidinig kapag nasa high speed ang takbo ko at saka me tumatagas na konting langis sa engine block . Eh pina-check-up ko na iyan sa isang talyer na nadaanan ko nong isang linggo…. eh ganoon pa rin. ..eh tuloy ipapa-tune-up ko na rin kasi ramdam ko di na maganda ang andar .

Ganon po ba …. hamo at ipapache-check -up ko yan sa isa kong magaling na mekaniko..

AH EH SAM …..iwanan mo nga muna ang ginagawa mo at tingnan mo nga itong sasakyan ni mam ano .

Eh Miss Me-ann po ang pangalan ko

Habang chini-check -up ni Sam ang makina ay panay ang tingin sa kanya ng babae.

Mga ilang oras lang ay nagawa na ang sasakyan dahil pinalitan lang ng cylinder head gasket ang cylinder head at medyo me hinigpitan lamang ang ilang spare parts ng makina sa inaakalang maluwag at inaakalang pinanggagalingan ng ingay at binusising mabuti .

O SIGE PO MAM …testingin po natin sa labas kung may ingay pa kayong madidinig at kung may leak pang pinanggagalingan ang cylinder head at engine block .

EH IKAW NA KAYA ang humawak ng manibela para mapakiramdaman mo , tugon ng may-ari ng sasakyan .

OKEY SIGE PO.

HUMAHAGUNOT ang sasakyan sa isang malaki at maluwag na kalye sa shift gear na quinta at sa speed na 80 km.per hour at minsan naman ay binabagalan niya ang takbo at pinakikiramdaman ni Sam ang ingay na sinasabi ng babae at wala naman siyang naramdaman . At habang nagmamaneho at tinetesting ni Sam ang sasakyan ay di niya alam na titig na titig sa kanya ang babae at tila hangang-hanga sa kanyang kaguwapuan . At pagkahinto ay tiningnan kung may tumatagas pang langis .

ABA OKEY NA PO SIGURO MAM…..eh may maluwag lang po akong hinigpitan at yun tumatagas na langis ay dahil palitin na po pala ang cylinder head gasket at na-tune-up ko na po kangina .

AH GANON BA…..ang galing mo palang mekaniko eh sa pinagawaan kong dati ay malaki ang nagastos ko at kung ano-ano ang pinagkakalikot at pinalitang mga spare parts eh iyon lang pala ang diperensiya .

EH HINDI NAMAN PO MAGALING…..natiyempuhan ko po lamang siguro……eh me suggestion po lang ako Mam , eh napansin ko parang luma na at over used na itong sasakyan ninyo at malamang eh di magtatagal ay magkakaroon uli ng leak iyan at magkakaroon din naman ng ibang sira…at iyon pong maitim na usok ay baka matagal na kayong di nagpapa-change oil o kaya naman ay baka babain na iyan at kailangan ng ipa-overhauling ang makina….eh kung me magagawa kayo eh ipagbili na ninyo iyan at bumili na lang kayo ng bago .

AGAD-AGAD na sumagot ang babae .

ABA HINDI ……matagal na sa akin ito at napamahal na sa akin…..hanggat nagagamit ko pa iyan ay di ko papalitan.

At nabulong na lamang si Sam…

NGAYON ako naniniwalang ang mayaman ay isang dakot o kuripot at nangiti siya ng lihim .

H A ! ano kamo ang sinasabi mo.

AH eh wala po…..ang sabi ko lang po , mapagmahal pala kayo sa pag-aari ninyo .

AT NG MAKABALIK NA SILA SA SHOP at makapagbayad na ang babae ay binibigyan niya ng malaking tip si Sam

H O ! eh wag na po…..nagbayad na naman po kayo , kaya sapat na po iyan.

SIGE NA tanggapin mo na….. ligaya ng kostumer na magbigay ng tip pa-consideration kapag nasiyahan.

Pero di pa rin tinanggap ni Sam at ang sabi ay bawal daw sa kanila iyon.

O SIGE kung ayaw mong tumanggap eh anong oras ba ang labas mo at itre-treat na lang kita sa labas.

H O ! EH eh alas sinco pa po.

O sige hihintayin na lang kita sa labas.

NAGKAMALI PALA SIYA NG AKALA na basta mayaman ay kuripot at ito pala ay isang galante .

ABA PARE….KASUWERTE MO……natipuan ka nong babae , ang puna sa kanya ng kapwa niya mekaniko.

EH KASI NAMAN ay napakaguwapo mo naman Pare , ika rin ng isa pang kapwa mekaniko .

ABA eh sa palagay ko ay magkukuwarenta anyos na iyon at ikaw naman ay 24….Aba eh pwedeng-pwede na iyon at pwede pa rin kayong magkaanak ha, ha, ha at……

ME ASAWA KA NA ME KAPATID KA PANG MATANDA at higit sa lahat mukhang mayaman ha, ha, ha

NAGKAKILALA SILA NG LUBUSAN NG BABAE na ang pangalan ay Me-ann , 37 years old at nag-iisang anak daw siya ng isang mag-asawang negosyante ng mga alahas sa may bandang Meycauayan , Bulacan at siya man daw ay may sarili ding Jewelry store doon . PRANKA NITONG SINABI SA KANYA na nagkaroon na siya ng una at pangalawang boyfriend pero di daw sila nagtatagal dahil di raw compatible sa pag-uugali at ang kanilang pananaw sa buhay . At tinapat siya kung bakit sa una pa lang daw siya makita ay kung bakit daw naging magaan agad ang kalooban nito sa kanya at gusto daw niyang maging magkaibigan sila .

SIMULA NOON ay tatlong beses sa isang linggo kung magpacheck-up ng sasakyan si Me-ann.

ABA EH NAKAKAHALATA NA YATA AKO SA BABAE NA YAN AH……eh sa palagay ko naman ay walang diperensiya ang kanyang sasakyan at ang laging tinatawag at gustong gumawa ay si SAM

HA, HA, HA ANG SUWERTE NGA NAMAN DI MO MAN HANAPIN DUDULOG AT LALAPIT KUNG TALAGANG SA IYO……eh PALAY na ang lumalapit sa manok ah .

ABA OO NGA eh kung ako si Sam….. di pa siya lumalapit ay nakaamba na ang tuka ko ha, ha, ha .

ISANG ARAW…..

ALAM MO birthday ko ngayon , gusto mo kumain tayo sa labas…..pwede ka bang mag half-day ngayon at ako na ang bahala sa kabawasan ng suweldo mo at babayaran na lang kita ng doble.

MEDYO KINILABUTAN si Sam sa tinuran ni Me-ann na siya pang babae ang nag-aalok na kumain sila sa labas dahil birthday daw niya . Pero di na siya gaanong nagtaka dahil mayaman naman ito at may sariling negosyo.

H A ! eh nakakahiya sa iyo…..hamo magha-halfday na lang ako……eh malakas naman ako sa chief mechanic namin at siya’y nangiti ng lihim .

Pagkatapos nila makakain ay ihahatid na raw siya sa kanilang bahay at ng makilala daw niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid .

AH eh nakakahiya naman sayo …. ma-maliit lang ang bahay namin .

HUU EH MANO YON di ba me kawikaan tayo na di baling nakatira sa kubo kung tao naman ang nakatira….. eh malaki nga ang bahay ay kuwago naman ang nakatira.

Siyang-siya naman si Sam sa tinuran ni Me-ann at nasabi pa niya…..Aba koboy ito ah .

NANG LUMAON ay nagkapalagayan na sila ng loob at lagi na siyang inihahatid sa kanyang pag-uwi mula sa trabaho at laging me pasalubong sa kanyang magulang at mga kapatid at mga pamangkin . Lagi pa nitong binigyan ng baon sa escuwela ang kanyang kapatid at ang ina naman niya ay laging inaabutan ng perang panglaro sa binggo .

MINSAN nanghihiram sa kanya ang kanyang kapatid na babae na may pamilya na ng pambayad sa Meralco dahil mapuputulan sila at nagkataong wala siyang kapera-pera ay agad na pinaluwalan ni Me-ann at sinabing wag nang palitan o wag nang isoli sa kanya at gaano lang naman daw iyon

NAPANSIN TULOY sila ng mga kapit-bahay.

ABA siya na ba ang girlfriend ni Sam….aba eh napakagalante naman…..eh hindi pa man sila mag-asawa ay nasusunod na ang luho mo sa magiging manugang mong mayaman , ha kumare.

OO NGA PARE…..eh sabi ko nga ke Sam ay magpakasal na sila at ng ako naman ay hindi na magbibinggo at magmamadyong na lang .

ABA MARE asensado ka nang talaga kapag nagkatuluyan iyon ha, ha, ha .

HINDI NGA NAGTAGAL dahil palay na nga ang lumalapit at halatang malaki ang gusto ni Me-ann ke Sam ay nagpakasal ang dalawa .

Makatapos ang isang linggong pagha-honemoon sa Hongkong at sa pagbabalik ay..

HON , BUTI PA YATA ay mag-resign ka na lang sa trabaho mo at ikaw na lang ang magdrive ng sasakyan at ng lagi pa tayong magkasama .

AT MAKALIPAS ANG ISANG TAON nagkaanak na sila at nakatira na sila ngayon sa isang exclusive na subdivision ng mga mayayaman sa tahanan ng kanyang biyenan dahil nagsosolong anak lang si Me-ann

Umaga noon at papunta ngayon sa kanyang Jewelry Store si Me-ann .

HON AALIS NA AKO at ako na lang ang mag dri-drive…. dito ka na lang sa bahay lagi at alagaan mo na lang si baby , kasi pinauwi ko ng lahat ang mga katulong natin pati na ang yaya ni baby . Eh sila Daddy at Mommy naman ay di na naglalagi dito at lagi na lang sa bahay-bakasyunan namin at paminsan-minsan na lang dumadalaw dito at ayaw ng maglagi dito .

O SIGE ikaw na ang bahala sa baby natin at huwag mong kalilimutan na hindi lamang nagugutom o baka may dinaramdam sa sakit si baby natin kaya umiiyak . Bibisitahin mo rin ang tenga , ang singit at baka kinakagat na ng langgam .

LABHAN MO NGA PALA iyon paborito kong damit na lagi kong isinusuot kapag me mga okasyon kaming dinadaluhan ng kumare nating anak ni Congressman . Saka nga pala wag mo nang pa-palantsahin ang mga damit mo at damit ko na lang , kasi pampadagdag din sa konsumo ng koryente yan

AT SAKA NGA PALA … sabihin mo nga sa nanay mo na tigil-tigilan na kamo niya ang PAGHINGI SAYO NG PERA SA KANYANG PAGMAMADYONG…….eh sumosobra naman ang nanay mo…ano ba ang akala ng nanay mo sa atin PINUPULOT LANG ANG PERA.. AT SAKA wag mo nang paluluwalan ng pambayad sa koryente ang kapatid mo . HAYAAN mo na silang maputulan ng koryente….eh nakita kong apat na sabay-sabay na umaandar ang apat nilang electric fan at nakatutok sa bawat isa niyang anak habang nanonood ng tv .

Ano ba talaga ang akala ng kapatid mo sa atin……BUMUBUKAL ANG PERA .

SIYANGA PALA……patayin mo na ang regfrigerator at bumili ka na lang ng ulam at kanin sa karitong naglalako don sa labas ng ating gate eh ang laki ng binabayaran nating koryente

O HETO ang 30 pesos na pambili ng ulam at kanin para sa tanghalian mo sa naglalakong kariton sa labas at manghingi ka na lang ng tubig na maiinom don .

HALOS HINDI HUMIHINGA AT PARANG SASABOG ANG DIBDIB NI SAM sa tindi ng sama ng loob at nasambit na lang niya sa Panginoon….

OH DIYOS KO ano ba itong napasukan ko…..ano ba itong naging kapalaran ko ….sana po ay habaan ninyo ang pasensiya ko ..

OY HONEY ano ba yang iniisip mo at bumubulong ka .

H A ! HO-HONEY A-ANO BA ANG SINASABI MO ? ang parang nagulat pang si Sam

IKA KO AALIS NA AKO at wag mong kalilimutan na pagkatapos mong maglaba ay maglinis ka ng bahay at baka maisipang magsipunta ang mga amiga ko rito sa atin at titingnan daw nila ang baby natin na kung talagang sin-guwapo mo ha, ha, ha .

O SIGE NA HONEY sabay halik…..tsup at sa baby kong mahal tsup..tsup , ang pogi-pogi naman naman ng baby kong mahal , sin pogi at bait ng Daddy niya ha, ha, ha .

At aalis na lang ito ay nagpahabol pa ng habilin.

AT SAKA NGA PALA HONEY…….IWASAN MO NA ANG PAG-INOM…..eh kapag dinarayo ka rito ng mga kaibigan mo ay puro ikaw ang taya…..ang kakapal naman ng mga kaibigan mo….sabihin mo na lang na bawal na sayo ang alak .

HALOS TULUYANG PARANG SASABOG NA ANG KANYANG DIBDIB na kinikimkim niya at abot-abot ngayon ang kanyang pagsisisi.

Bakit daw ba siya nag-asawa ng isang mayaman kung pighati rin lang ang idudulot sa kanya . Ngayon niya napagtantong mas mainam pa raw na nakapag-asawa siya sa isang kapwa niya mahirap .

Nagdaan pa uli ang ilang taon at talagang siya na ang taong bahay at tagapag-alaga ng kanyang dalawang anak .

Pagkatapos ng kanyang mga gawain ay namahinga naman siya at habang nanonood ng tv ay hinahayaan niyang maglaro ang dalawa niyang anak na isang dalawang taon gulang at at isang tatlong taong gulang . Nang walang ano-ano ay nahawakan ng isa niyang malikot na anak ang isang antic na porcelanang paso ng kanyang biyenan. Nagkataon namang umuwi noon ang biyenan niyang babae.

H A ! BAKIT NABASAG ITO ..ang gulat na gulat na kanyang biyenan.

EH NABASAG PO NG APO NINYO MOMMY, ang medyo ngingiti-ngiti pa siya at ipinagmamalaki niya sa kanyang biyenan na may kalikutan na ang kanyang mga apo .

HAA! AHH PUNYETA di mo ba alam na minana ko pa iyan sa kaninu-ninuan ko at dumating lang kayo sa pamamahay ko ay nabasag na ito.

H O ! ang hindi makapaniwalang si Sam na marinig niya ang katagang iyon samantalang nong araw ay magiliw na magiliw sa kanya ang kanyang biyenan at apo naman niya ang nakabasag ..

Doon na muling naglalagi ang kanyang mga biyenan at kapag umuuwi ito mula sa opisina ay siya ang nagsisilbi dito at nagmukha na siyang katulong , asawa at manugang sa tahanan na iyon.

AT MAGMULA NOON ay parang tumutuntong na siya sa numero . Naasiwa na siya ngayon sa pamamahay ng kanyang biyenan at di siya makakilos ng normal .

Minsan daw may kamag-anak siyang na-ospital at malaki ang gagastusin para maoperahan ito at gusto niyang makatulong at makapagbigay naman kahit papano. Eh pero ano raw ang gagawin niya, wala siyang pera at kung hihingi siya sa kanyang asawa ay baka maulit na naman na sabihin sa kanya na …..

ANO BA NAMAN YANG MGA KAMAG-ANAK MO at munting kibot ay tayo ang nilalapitan .

Ngayon ay hiyang-hiya siya sa kanyang mga kamag-anak , na naturingan siyang nakapag-asawa ng mayaman at maituturing na rin siyang mayaman at gusto man niyang tumulong ay wala siyang magawa . Ang masama pa nito nong binata pa siya ay nakakapagbigay siya ng halagang 2,000 o hanggang 3,000 kada kinsenas sa kanyang nanay at may mga pasalubong pa siya at ngayong nakapag-asawa siya ng isang mayaman ay ni isang kusing man ay di na niya naaabutan ang kanyang ina . Ano raw ang magagawa niya , wala daw talaga siyang hawak na pera . Naturingan daw na may pera sila at magka-joint account pa sila ay nasa pag-iingat naman ng kanyang asawa ang libreta de Banco .

Makatapos niyang mapaliguan ang kanyang dalawang anak at pinatulog na niya ay naisipang niyang dumungaw sa bintana at wala sa sariling tumingin sa kawalan at nabigkas niya …..…

DIYOS KO……..kung maibabalik ko lamang ang nakaraan

SAMANTALA……napagkaisahan pala ng kanyang dating kasamahan sa trabaho na naging mga kumpare niya na pasyalan siya .

Hahaha, masosorpresa ang ating kumpare nito……eh siguro ay PARANG ISANG PRINSIPE si Pareng Sam ano . Kumain… matulog na lang at manood ng tv at ahinan at urungan na lang ng kanilang mga katulong at pasyal dito pasyal doon at magsabong na lang ng magsabong at panay siguro ang inom na lang at talagang ayaw na siyang pabalikin sa trabaho dahil sadyang malakas ang kanilang negosyo .

O SIGE NA, MGA PARE, iwan na natin ang dala nating alak at siguro naman ay maraming naka-stock na stateside na alak si kumpare natin.

NAPAKASUWERTE NAMAN TALAGA ng kumpare nating iyan ha, ha, ha….eh makapag-asawa ba naman siya ng mabait na at ubod pa ng yaman at higit ay napakagalante at siguro ay hindi magkakandatuto si kumare niyan sa pag-aasikaso sa atin …. at di matapos-tapos ang tuwa at pagka-excited ..

TARA MGA PARE…….puntahan na natin ang kumpare nating NAPAKA-SUWERTE .

….Wakas…….