Mga Bully sa work...

Posted on at


Kung mayroon kang kasama sa work na laging mapapel o pabida, " anu ang dapat mong gawin ? " Napaka simple lang kahit saang aspeto magagamit mo ang  " AWA ". Opo dapat maawa ka sa kanila, kasi kaya sila ganyan takot sila mawalan ng trabaho. Pinagbubuti lang nila ang kanilang trabaho. Walang dahilan para magalit ka sa kanila. Ang kailangan kaawaan mo sila, dahil kapag nawalan sila ng trabaho magiging malaking kalungkutan ito sa kanila pati pamilya nila magugutom. 

Eh ikaw kailangan mo rin naman ng work, " sabi mo sa sarili mo ". Tama yun pero sikapin mong maging iba sa kanila. Kasi ikaw kaya mong mabuhay ng walang nasasagasaang tao at handa kang umiwas kung sakaling may mga tao na nakakaramdam ng " delikadong sitwasyun na baka maagawan sila ng trabaho ". Likas na sa tao na protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanila, kagaya mo rin. 

Kaya kailangan marami kang  " OPTIONS " o pag pipilian para maka pamuhay ng maayus at matiwasay. Di yung kontrolado ka ng sitwasyun, pera, mga tao sa paligid at ng mismong emosyun mo. 



About the author

cryptsurfer-doge

I am a pizza maker here in Qatar...........

Subscribe 0
160