(Pinoy) Just sayin

Posted on at


Sa tuwing magbubukas ako ng TV para manuod ng balita, karamihan sa laman nito ay tungkol sa mga anomalya sa ating mga pinuno sa Gobyerno. Nakakalungkot isipin na ganito ang nangyayari sa ating bansa, walang humpay na batikusan at hanapan ng butas para sa magkakatunggali sa posisyon. Halimbawa nalang ang ating Pangulo (Pnoy) na meron ng apat na impeachment complain, at kabilaang protesta para sa pagbaba niya kuno sa pwesto. Parang nakalimutan na nila nang gawin din nila ito sa nakaraang Administrasyon at sa lahat pa ng naging pangulo ng Pilipinas. Hindi ako maka (Pnoy) pero ang punto ko bakit kaya hindi nalang natin supurtahan ang kanyang mga programa o hindi naman ay pag igihin nalang natin ang ating mga trabaho imbis na isisi sa ating pamahalaan ang ating kahirapan. Hindi ko sinasabing mali ang pag batikos sa ating Gobyerno kung talaga namang mali ang kanilang ginagawa, pero sana isipin din natin na halos lahat ng naging pangulo ay binatikos natin, di po ba, at ngayon gusto nanamang pababain sa pwesto si (Pnoy) kung sakali mang magtagumpay na mapababa sa pwesto ang ating pangulo, malaman sa susunod na uupo di tatagal pareho din ang mangyayari.

 

 



About the author

Elemar_Annex

I Elemar 22 years old a registered NURSE and Blog fanatic, Blogger.

Subscribe 0
160