Pluma

Posted on at


Pluma

Gusto ko sanang magsulat ng isang makabuluhang akda,
ngunit tila yata pluma ko ay isinumpa,
at dilang ni minsang akong nagtangka ngunit wala at heto't nakatunganga..

Bakit kaya tinta'y nanamlay?
Halintulad sa bagharing unti unting nawawalan ng kulay,
Gaya rin naman ng kandilang upos at kapagdakay namamatay,
Naisasantabi pagkat wala ng buhay

Ano nga ba ang dahilan ng lahat ng ito?
Siya ba na bumigo sa pangarap mong paraiso,
Heto ka't luoy na pira piraso,
Ninakawan ng katinuan at tila baga naengkanto,

Kailan gigising ang puso sa katotohanan?
Bakit siya na nanakit ay gusto pang balikan
Pilit binabalik ang kahapong nagdaan
Kahit ang kasagutan ay wala ng pagasa para sa kasalukuyan.

 

========x



About the author

shy_melkie

Simple woman with simple dreams.

Subscribe 0
160