Salamat Inay, Salamat Itay

Posted on at


Dahil sa inyo ako'y naririto

Sa mundo na dala ang pag-ibig nyo

Sa piling nyo ay natuto akong humarap sa lahat ng pagsubok na bigay ng langit

Ako'y inakay nyo sa lahat ng oras ay langit ko

 

At dahil sa inyo ako'y di nawala sa landas na puno ng ligalig

Sa piling nyo ang lahat ng taghoy

Kumukupas bigla at sa yakap nyo pinapawi hanggang pagtulog ko

Sa panaginip kasama ko

 

Salamat Inay, salamat Itay

Sa inyo nalaman ko ang tama at mali sa mundo

Salamat Inay, salamat itay

Kung di dahil sa inyo ang mundo kong ito'y walang kulay

Salamat Inay, salamat itay

Ang bawat tagumpay sa inyo ko ito iaalay

 

Salamat, Salamat Inay, Salamat Itay

Kung di dahil sa inyo ang mundo kong ito'y walang kulay

Salamat Inay, salamat itay

Ang bawat tagumpay sa inyo ko ito iaalay

Salamat Inay, Salamat itay



About the author

Jhoy-Supetran

Just a simple lady next door!

Subscribe 0
160