That Thing Called "FINALLY" ... Ehehehe XD

Posted on at


Ang tawag na pala talaga ngayon sa ARIEL powder ay "finally".

Naikwento kasi sa akin ni sister ko na nung nasa isang popular convenience store sya, ay may namimili na isang babaeng may kasamang batang girl na nasa 6-8 years old. Natuwa daw si sis ko nung narinig nya ang sinabi ng bata na "Mommy, look oh. Finally oh" sabay turo sa sachet ng ariel. Natawa din ako habang kinikwento nya sa akin.

Nung nakaraang weekend naman, nag-grocery shopping kami ni mudra at nung nasa lane kami ng laundry detergents ay narinig ko din sa isang babae na " asan na ba ung finally?" ... Kaya naisip ko, ah un Ariel na naman siguro ang tinutukoy.

Ang galing nga nung gumawa ng commercial na yon. Nakaka-LSS na nga daw, eh talagang nabebenta ngayon yung product. Pati si mudra yun na din ang binili eh.. Hehe. Finally...



About the author

Lonie

I am a music lover... a woman who thanks God every second of my life for His unconditional love.

Subscribe 0
160