3 Days inactive: 3 Days Badtrip

Posted on at


3 Days inactive:  3 Days Badtrip

Badtrip ka nga, tapos nadagdagan pa.. Una, nasira yung android phone ko dahil sa katangahan. Nagswimming kasi, kaya ayun sira! Nagtiyaga tuloy ako sa java phone na facebook lang ang app.. Pangalawa, nung magwwithdraw na ko gamit EON, sabi nung ATM machine, mali daw yung nilagay kong password. HUWHAT? Pano? E yun lang naman yung alam kong password nun. Tas ayun nablock na ko. Di tuloy ako makawithdraw. Tapos pangatlo, pinaayos ko yung cellphone ko kahapon kaso ayun, bukod sa ang mahal e ang hirap na pindutin nung touchscreen. Pinalitan kasi yung touchscreen nito. Hays. Kung wala lang talaga tong sentimental value, di ko to papaayos eh.

 

Ang problema ko na lang ngayon e kung pano gagawin dun sa eon card ko. Hays. Pupunta pa ko bank tapos may babayaran yun diba? Umiiyak na wallet ko. Di pa ko makapag-ipon now kasi 3 days lang naman pasok ko sa school. :/

 

(Nonsense blog).

Edited: Okay na yung ATM ko. Di ako pumunta ng bank. Pinalipas ko lang yung 24 hours. tas ayun, naopen ko na ulit.



About the author

PinkCat

Choose to be happy! ^___^

Subscribe 0
160