Bakit Nga Ba May Manloloko?

Posted on at


Girl: "3 months na po kami ng boyfriend ko pero nalaman kong may other girlfriend pa pala siya at 6 years na sila. Ano po gagawin ko?"

 

Siguro yung iba sa inyo familiar kung san ito naipalabas. Aliw na aliw ako sa palabas na to. Si Vice Ganda "Madam Bertud" ba naman ang advicer eh. Nagagalingan kasi ko pag nagbibitaw sya ng "Words of Wisdom". Nakakatawa pero dami mo makukuhang lessons though minsan prangka talaga sya at nakakasakit na.

 

Anyway, nainis lang ako sa situation na to. Wala naman din kasalanan si New Girl kasi hindi naman nya alam na may girlfriend na pala si Boy eh. Kainis lang! Ang dami talagang manloloko sa mundo noh? Ang gagaling umarte. Tss. Pero kung naawa ako sa New Girl, mas naawa ako sa 6 years  girlfriend nung Boy. Grabe! I know napakasakit sa part nun  pag nalaman nyang tinwo-time sya.. Ang akala mong loyal, manloloko pala. Ang hirap na talaga magtiwala sa panahon ngayon, ano? Hays.

Bakit nga ba may manloloko? Di ba pwedeng makuntento lang sa isa?

Di makuntento ~ I think yan yung isa sa mga dahilan kung bakit naghahanap ng iba eh. Compare din sila ng compare sa ibang tao. kung mahal mo isang tao, makukuntento ka kung "ano" at "sino" talaga siya. Wag ka maghahanap ng wala sa kanya na meron sa iba.

 

P.S Kung makapagsalita ako parang may karanasan ako na naloko ako e noh? Nope. Wala! Pero marami akong kilala na niloko ng mga jowa nila. Tss.



About the author

PinkCat

Choose to be happy! ^___^

Subscribe 0
160