Ang Kwentong Ice Pick

Posted on at


 

May mga taong nagmamahal ng lubusan yung tipong isasakripisyo ang lahat mahalin din sila kagaya ng pagmamahal na ibinibigay nila. Pero sa sobrang lupit minsan ng mundo may mga taong ipinanganak para manakit ng kapwa. Sinaksak ni Neneng ng ice pick si Biday. May mga taong nakakita. Nag eksaherada sa reaksyon ang mga taong nakakita hanggang sa mapukaw ang atensyon ng mga rapper sa kanto. Sa sobrang sigawang ito, napa-rap ang mga ito. Dahil sa sobrang galing napa-rap ang mga witness. Nakalimutan ang kawawang si Biday na nasaksak. Napa-rap ang kapitan. Sumabay ang barangay.

"Nang ma inlove ako sa'yo
kala ko'y pag-ibig mo ay tunay
pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay"

Dahil sa rap na ito, ang salarin na si Neneng ay may na-realize. Yun nga lumabas na nga ng tunay na kulay ni Neneng. Na-realize niya na siya ay maitim. Walang duda at nagtanong pa siya kay Dodong kung maitim nga siya. Walang alinlangang sumagot, umayon ito na maitim nga ang kulay ni Neneng. Sinaksak niya din si Dodong ng ice pick. Nagtanong si Dodong kung bakit. Walang ligoy ligoy, truth hurts sabi ni Neneng. Simula noon naging proud na siya sa kulay niya. Kahit nilalait siya minsan taas noong kinakanta niya ang Ako ay Pilipino.

 

Wala lang may mai-blog lang! Hahaha!


About the author

Rhanz

I simply love hanging out over the internet discovering new stuff and meeting new friends!

Instagram: @rhanzferrer
Twitter: @ranzferrer

https://friendiary.wordpress.com If you're free please visit my blog. Though I stopped writing for like 5 months. I will find time to update it. :)

Subscribe 2936
160