Ano ba ang MMM?

Posted on at


Global Mutual Aid Society, Worldwide People’s Bank, Financial Social Network – maaari ninyo itong tawagin sa kahit na anong pangalan. Ito ay ang boluntaryong pagkakaisa ng mga milyon milyong tao sa buong mundo, mga taong tumatayo at nakikibisog laban sa pang aalipin. Mga taong nag desisyong mag deklara ng digmaan laban sa Fed at sa lahat ng mga bangko at mapanalunan ang labang ito.  At upang makamit ang hangaring ito, pag iisahin nila ang lahat ng kanilang mga pera. Walang ikakabahala kung ang kanya kanya nilang ipon ay hindi gaanong malaki dahil napakarami ng mga taong nasa likod ng MMM at sa kabuuan ito ay isang napakalakas na puwersa. Isang puwersang hindi matitinag at patuloy na lumalakas sa araw araw.

Bakit nga ba nagkaroon ng mga bangko? Ito ba ay para sa mga oligarka at mga bilyonaryo? Hindi! Ang mga ito ay para sa mga ordinaryong tao na iniipon at itinatabi ang kanilang kakarampot na kita sa mga bangkong ito. At bakit sa mga bangko? Dahil walang alternatibong paglalagyan. Ito ay monopolyo ng bangko. Saan nga naman ilalagay ng mga tao ang kanilang pera? Gaya ni Jane na ating unang nabanggit. Kailangan niya si Mr. Smith. At kung hindi kay Mr. Smith,siguradong sa iba pang bangko na gaya nito. Ngunit lahat ng mga ito ay magkatulad lamang.

Ngunit ngayon meron na tayong alternatibo, ang MMM. Sa atin lahat ito. Dito, nagtutulungan ang bawat isa. Ngayon, ikaw ay tutulong, bukas ikaw naman ang mabibigyan ng tulong. Ito ang prinsipyong pumapalikod sa MMM. Nanaisin mo bang maging kagaya ni Nick? Or kagaya ni Jane? Nanaiisin mu bang maging alipin din? Kaya’t makiisa ka sa hangarin ng MMM upang matulungan ng iyong pera ang iyong kapwa. Ang MMM ang isang malaking “common safe” kung saan inilalagay ng mga tao ang kanilang mga pera at kukunin ito kapag nangailangan na. Kukuha ng sapat para sa kanilang pangangailangan sa pang kasalukuyan. Hindi mag kakamal ng pera, kung hindi ay kukuha lamang.

Sa totoo lang, hindi kailangan ng mga tao na magkaroon ng maraming pera. Ang tanging importante sa lahat ay ang kasiguraduhan sa hinaharap. Ang MMM ay nagbibigay kasiguraduhan sa lahat ng tao. Ito ay nagbibigay ng kasiguraduhan na hindi ka kailan man mag-iisa at laging may agarang tutulong sayo sa panahon ng kagipitan. Handog ng MMM ang isang bagong lipunan. Isang lipunan malinis at walang kasakiman. Na walang mga alipin at panginoon. At ang lahat ng tao ay magtatrabaho naayon sa kanyang kagustuhan at para sa benepisyo ng lipunan. Sa wakas mapagtatagumpayan ng kabutihan ang pagsakop sa kasamaan!

Welcome sa MMM!

Kami ay naghihintay sayo! Sama-sama, malaki ang ating magagawa. Tayong lahat, magkaisa upang baguhin ang mundo! Financial Apocalypse, abot kamay na natin dito sa MMM!

P.S.: Samantala, matapos na mailathala ang artikulong ito, lumabas ang balitang ito: “Tumanggi si Obama na gumawa ng isang $1 trillion na barya”. May kabuluhan pa ba ito? Meron pa bang maniniwala, kung sakaling ito ay ginawa, na ang pera ay sukatan ng pagtatrabaho? Tama na may mga walang muwang na pinaniniwalaan parin na ang proseso ng paggawa ng pera ay isang sakramento o paghingi ng kapatawaran. Halimbawa na lang, kapag ang isang tao ay nakagawa ng isang bagay na may kabuluhan sa lipunan, tulad nalang ng tornilyo, ibig sabihin nito ay may bagong dolyar na isinilang saan mang parte ng mundo. Ibig sabihin, may isang bagong walang utak na tao ang isinilang saan mang parte ng mundo. Totoo, isang bagong dolyar ang naisilang. Huwag ninyo akong patawanin! Kumuha lang sila ng isang kaperasong metal at ginawa itong “$1 trillion! Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ito ang gusto kong tukuyin sa simula pa lamang. Ito ay abnormal, kapag ang isang tao ay ubod sikap upang kumita ng pera at may iba namang ubod ng daling gawin ito. Isang napakasama at hindi tapat na mundo. Financial Apocalypse! Ito ang tanging paraan! Wala na tayong ibang pagpipilian pa.



About the author

jerwin-agaloos

I'm Jerwin Agaloos. . 21 years old and I also used Bitlanders to earn and to have friends

Subscribe 0
160