Managing Workplace Stress By Maloi Malibiran-Salumbides

Posted on at


May isang radio program na nagbigay ng ganitong poll question: If you could be alifeless object for a day, what would you be and why? Isang listener ang sumagot na gusto nyang maging eraser dahil nais niyang burahin ang mga bagay, pangyayari at tao na nagdudulot sa kanya ng stress. Gusto mo rin bang maging eraser? Stressed out ka ba?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, para sa Protips, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho.

Here are some tips on how to successfully manage the unnecessary stress in your life:

1. Be humble. Maaaring hindi nga natin maiwasan ang mga negative na pangyayari sa opisina na magdudulot sa atin ng stress pero posible pa rin naman na mabawasan ang level nito. You won’t be able to control other people’s attitude and behavior but you can definitely control yourself. Ang humility o kababaang loob ay isa sa mga effective antidotes sa stress. Huwag mong sabayan ang init ng ulo ng iyong boss o ka-trabaho. Ang iyong pagtugon sa sitwasyon ay maaaring magpabuti o magpalala pa dito. Ang sabi sa James 4:6, “God resists the proud but gives grace to the humble”. With God’s grace, less ang stress ng buhay – ang susi lamang ay pagpapakumbaba.

2. Forgive someone who hurt you. Ang pagpapatawad ay isang desisyon na palayain ang iyong sarili mula sa hinanakit at kaisipan na gumanti. Maaaring hindi mo na malimutan ang mismong salita o kilos na nakasakit sa iyo pero ang pagpapatawad ang maghihilom ng mga sugat at papawi ng anumang sakit o kirot sa iyong kalooban. Ang iyong pagpapatawad ang magiging daan upang mas makita mo ang inyong sitwasyon sa mas malinaw na perspective at ito rin ang maghahatid ng kapayapaan sa puso at isipan mo. Ang pagpapatawad ay isang bagay na kinalulugdan ng Diyos. Mababawasan ang iyong stress if you will learn to forgive.

3. Reorganize your schedule. Be intentional about avoiding unnecessary responsibilities. Hindi mo naman talaga kailangang gawin ang lahat ng bagay kaya learn to say “no” sa mga gawaing kaya namang gampanan ng mabuti ng iba. Make it your goal to please God more than men with your schedule.

4. Avoid divisive issues. Hanggang maaari, iwasan ang mga walang kabuluhang usapan na pwedeng magdulot ng tension sa pagitan mo at ng iyong mga ka-trabaho at maaaring humantong din sa pag-aaway.

5. Pray for wisdom. Maraming mga maling desisyon ang nagagawa natin kapag tayo ay pagod o galit. Hilingin mo sa Diyos na tulungan ka Niya kung paano i-handle ang mga bagay at tao na nagdudulot sa iyo ng stress. Manahimik muna at manalangin.

Be humble, forgive someone who hurt you, reorganize your schedule, avoid divisive issues, pray for wisdom and have a stress free day!

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!



About the author

jerwin-agaloos

I'm Jerwin Agaloos. . 21 years old and I also used Bitlanders to earn and to have friends

Subscribe 0
160