Ano ba yung pacontest na sinasabi nila? Oh eto na ako na sasagot!

Posted on at


Ano ba yan contest na yan? Bakit ba nagcocongratulations sila? Sinong nanalo? Ano? Kailan yan nangyari? Bakit ngayon ko lang narinig yan? Masaya ba yan? Pwede pa ba akong sumali? Ano ang premyo? Weh, totoo ba yan?

Yan. Yan ang mga tanong ng mga makukulit. Buti pa yung iba, nag-congratulations na lang kahit hindi nila gets ang nangyayari. Haha. Pero mabait ako eh. At mamaru... as in nagmamarunong, kaya sasagutin ko ang mga tanong. Why not diba? Alas dos naman na ng madaling araw at tahimik dito. Tulog na lahat. Ako na lang at ang mumu sa tabi ko ang gising. Wah, natakot ako sa sarili kong joke. Nainis tuloy ako sa sarili ko. Ano ba yan self, magtino ka nga. Kung ano ano pa sinasabi mo, na-o-off topic ka nanaman tuloy. Oh sya, ito na,

Napansin nyo siguro na kanina, este kahapon pala since alas dos na nga, may mga natuwa at may mga congratulations na nagliparan. Ganito kasi yun. May pa-contest si bit nung Halloween. Click mo dito to see the announcement. So nung inanounce yan, syempre ang mga bibo na mga ka-bit, nagsigawaan ng pictures/blogs/videos na may kinalaman sa halloween. Tapos isinubmit yung link nung post na yun para alam ni bit na interested to join sa contest.

So ang sabi ni bit ang pinaka maraming buzz may +50 buzz bonus sa score niya, yung 2nd, +30, yung 3rd +20, yung 4th hanggang 10th +10. Ang bongga pa eh, one week yung buzz bonus na yun. Yummy diba? So kahapon, innanounce na dito kung sino ang mga winners. Kung curious ka malaman kung sino panalo, check mo na lang yung link. Syempre isa ako dun, tignan mo yung 6th place, yours truly. Yabang lang eh no? Pasalamat kayo hindi ako ang 1st place, kung hindi hanggang 2015 siguro pinagyayabang ko pa din. 

Ayun lang yun. Tapos na ang contest, hindi na pwede sumali. Sorry sa nagbabalak. Anyway, para hindi ka mahuli sa balita sa susunod, bantay-bantayan mo na lang siguro mga pasabog ni bit. Ito yung account oh . Ayan, sa susunod na may pasabog, alam mo na kung saan hahanapin. Ay, kung na-curious ka malaman kung ano yung sinali ko na entry, ito yun: Halloween entry koPansinin mo hindi naman ganun kadami buzz nyan, so ibig sabihin kering-keri lang mga pa-contest ni bit. Pero baka after ng contest na to, tumindi na ang competition. Pero keri pa din yan! Go lang ng go! Haha.

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160