BAWAL MAGKASAKIT. IWAS MERS-COV.

Posted on at


Palakasin ang immune system sa pamamagitan ng pag-inom ng isang multivitamin araw-araw. Kadalasan ay kulang tayo sa zinc, selenium, iron, vitamins B, C at D. Kung tayo’y nagdidiyeta o may sakit, ugaliing uminom ng vitamins.

Kumain ng maberde at mapupulang pagkain tulad ng mga gulay, carrots, kalabasa at kamatis.

Mag-ehersisyo pero huwag sobra. Ayon sa isang pagsusuri, mas kaunti ang nagkakasipon kapag regular ang pag-e-ehersisyo.

Mag-relax at magpahinga. Mag-aral ng iba’t ibang paraan para mag-relax. Puwede ang yoga, masahe, meditation at pagbabakasyon.

Magkaroon ng kaibigan o kapamilya na susuporta sa iyo. Malaki ang maitutulong niyan sa pag-iwas sa sakit.

Matulog. Kapag may sakit na, kailangan ng katawan ang pahinga. Ang mahimbing na tulog ay talagang nagpapalakas sa ating katawan. Dito inaayos ng ating katawan ang mga nasirang selula.

Huwag masyadong magpaaraw. May tulong ang kaunting araw sa paggawa ng Vitamin D sa katawan.

Pero ang sobrang pag¬papaaraw ay nakasasama sa immune system.

Uminom ng 10 basong tubig. Basta may sa¬kit, kailangang uminom nang maraming tubig para mailabas ang toxins at init (lagnat) sa katawan.

Huwag agad-agad uminom ng antibiotics. Karamihan ng mga sipon at trangkaso ay galing sa virus. Hindi ito mapapagaling ng antibiotics na pumapatay lang ng bacteria. Ang sobrang pag-inom ng antibiotics ay puwedeng makasama rin dahil nawawala ang mga friendly bacteria sa katawan. Magtanong muna sa doktor.

Magpabakuna. Mahalaga ang bakuna para maprotektahan ang ating katawan. Sinasanay ng bakuna ang paglaban ng katawan sa mga espesyal na mikrobyo. Sa mga edad 50 pataas, kailangan ng pneumonia vaccine at flu vaccine. Mahalaga rin ang Hepatitis B vaccine at Tetanus vaccine. Sa mga bata, kailangang kumpleto rin ang kanilang bakuna. Magtanong sa inyong doktor.

For more health tips, Like Dr Liza Ong



About the author

jerwin-agaloos

I'm Jerwin Agaloos. . 21 years old and I also used Bitlanders to earn and to have friends

Subscribe 0
160