Bonding with my friends

Posted on at


Nag set ng date ng pagkikita ang kaibigan kong si Grace Uema,Bago kasi silang lipat ng bahay kaya pinlano nyang magkita kita kami kasama ng iba naming kaibigan..Kahapon nangyari ang pagkikita at walang humpay na kwentuhan..Napakalakas ng ulan kahapon, mula umaga walang humpay ito, pero hindi balakid syempre ang pag ulan, Tuloy pa rin ang bonding, nagpunta kami sa bagong tirahan ni Grace..Nandon ang iba ko pang mga kaibigan kasama narin ang mga anak nila, isa sa bata don ay inaanak ko , ang pangalan Nya ay AYAMI..Maganda, malinis at maayos ang bahay ni Grace, ako ang unang dumating, pagpasok ko sa bahay Nya, nakahanda na sa hapag kainan ang mga niluto nya tulad ng Pansit bihon, Spaghetti, hamburger, sausage at Pizza.... nadagdagan ang pagkain ng dumating ang iba ko pang dabarkads, may dala silang cheese tart at egg pie.. HAYY NAKU sarap eh hahaha! SA apat na oras na pamamalagi namin sa tahanan ni Grace ay kulang na kulang, kasi hindi matapos tapos ang kwentuhan at syempre hindi mawawala ang Kuhaan ng picture .. Eto ang mga kuha naming mga larawan kahapon.. HAPPY VIEWING!



About the author

160