Eto na yun!

Posted on at


Hay sa wakas. Nakapag blog na rin. Ito kasi si hubby eh, panggulo. Oh siya, pagusapan na natin...

Siguro napaisip ka bakit si hubby ang sinisisi ko. Masarap kasi siyang sisihin kasi mapipilitan siyang magsorry, pagkatapos masusunod ang gusto ko. Haha, ang taray, manipulative lang ang peg. Joke lang yun ha. Joke na mejo seryoso. Alam nyo naman yung mga ganun diba? Style ng mga torpeng lalaki. Tipong "hahaha, gusto talaga kita, pwede bang maging tayo? hahaha joke lang na mejo totoo". Che. Ang bulok lang ng approach. Pero syempre pa trip mo rin si torpeng lalaki, kinikilig ka naman din. Yaks. Cheesy nyo! Haha.

O, balik tayo sa usapang blog na hindi natuloy. Eh kasi naman, ewan ko ba anong meron sa dugo ng mga lalaki, bakit sadyang lahat ng llaki eh maypagka-arsonist ang trip. Yung kapatid ko na lalaki kung ano ano sinusunog nyan nung bata kami. Tatay ko noon ginawang hobby ang pagsusunog ng mga damo sa bakuran namin. Tapos itong si hubby naman, nung narinig akong magreklamo tungkol sa ants, binuhusan nya yung madaming ants ng alcohol sabay niliyaban. 

Oh diba anlakas lang ng trip? So syempre ang baho nung amoy ng sunod na alcohol with ants mixture (may ganun haha) kaya ayun, napalabas muna ako ng room para hindi maamoy kaya na-postpone tuloy ang blog na ito. Ayun na ang kwento behind it. Malabo ba? Nalabuan ka ba? Okay lang yan, nalabuan din ako sa sarili ko eh. Haha.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2980
160