IDEOLOHIYA NG MMM PHILIPPINES

Posted on at


Ang modernong mundo ay masama. Ito ay malupit at hindi maka-tao, ito ay hindi patas at hindi tapat, at hindi makatarungan. Ito ay mundo ng pera. Hindi ito mundo para sa mga tao kundi  para sa mga may kakayahang gumawa ng pera, ito ay para sa mga tagabangko (bankers) at tagapondo (financiers). Ang mga ordinaryong tao ay nagsisilbi lamang kanilang utusan. Utusang nagwawalis ng kanilang mga palasyo.

Ngunit ano nga ba ang nasa likod ng kapakanang panlipunan (social welfare)? Trabaho.  Kung ganito, bakit ang mga bankers ay namumuhay ng daan-daan o libo-libong mas mabuti at mas maayos kaysa sa mga ordinaryong manggagawa? Lahat sila ba ay nagtatrabaho ng mas mahirap? Ito ay isang bagay na walang kapararakan (nonsense). Ni hindi sila gumagawa ng kahit na ano. Wlang material values. Ngunit bakit sila namumuhay ng mas marangya. ?

Alam nyo ba yun? O marahil ay nagtataka na rin kayo ngayon. Ito ang karaniwang sagot ng nakararami: “mga bankers ay gaya ko rin at nang kapitbahay kong si Johnny na masipag magtrabaho. Ngunit hindi ito maaaring makumpara. Ang banker ay bangko, pera , relasyon at mga kakilala…At sino ba naman kami ni Johnny? Mga balewalang tao! At dahil ganun, ang banker ay tamang namumuhay ng marangya kumpara sa amin”

Ngunit walang “natural” dito. Ang punto ay ito, nasanay na ang marami sa ganitong kalagayan at tuluyan lang na hinahayaan. Kung sa bagay nga, ay tunay na namumuhay ng mas marangya ang mga bankers at hindi pwedeng hindi. Ngunit sa realidad, pwedeng kabaliktaran.

Kaya bakit? Bakit sila pang nagtatrabaho ng mas magaan at mas kaunti ay sila pang mas nakagiginhawa? Higit pa sa mga manggagawa at mga nagmimina. Kung sabagay, binigay mo na ang kasagutan, dahil “ang mga bankers ay ang banko mismo, at syang pera” Tumpak, PERA! Ito ang buong punto! At tungkol sa kanila, tungkol sa pera, ay nararapat lamang na pag usapan ng malawakan.

Ano nga ba ang pera? Minsan ba ay napagtanto mo ang tungkol dito? Ang kasangkapan sa pag kakalkula? Ang panukat ng trabaho? Gaya ng laging itinatanim sa ating mga isipan mula pagkabata pa “kailangang magtraho at mag doble kayod! Hindi bumabagsak ang pera galing sa langit. Ito ay matapat na pinagtatrabahuan at buong hirap na pinagsisikapan. Napaka pamilyar na pagpapahayag, kung tutuusin! “Familiar as nauseam” Sabihin nyo it kay Abramovich, isang Russian oligarka, multimillionaire at nagmamay ari ng English football club na “Chelsea”, na sinasabing matapat na nagsumikap upang kitain ang kanyang mga bilyon-bilyong salapi. Sabihin mo, bilang katuwaan lang paano kumita ng pera sa matapat na paraan at ikaw ay matatawa ng lubusan.

Tama na kailangan ng bawat isa na magtrabaho at magsumikap. Ngunit ano ang makukuha natin kalaunan sa pagtanda? Maliit na pension at kumakalam na sikmura? Kahirapan ... Binuhos mo ang iyong buong buhay upang pagsilbihan ang mga oligarka, na sinaid ang buo mong kapangyarihan, lakas at pangangatawan, ikaw na piniga ng lubusan at matapos ay itatambak na sa-id na sa-id. Ito ang realidad, nakapangingilabot na realidad ng modernong lipunan. Ito ang inaasahan ng nakararami sa dulo; ito ang siyang kinahihinatnan ng karamihan ng mga tao sa lipunan ngayon. Ito ang kinahantungan ng kanilang mga ama at ina, ng kanilang mga lolo at lola, at nakasisigurong ito rin ang kahahantungan ng kanilang mga anak at mga apo at sa mga darating pang henerasyon. Ito ang pamamaraan ng mundo. Ngunit bakit? Ang lahat ng ito ay mali, hindi matapat at makatarungan! Hindi dapat na ganito ang umiiral. Bakit may mga taong nagmamay-ari ng lahat, at may iba namang wala ni isang dakot na pag-aari? Bakit may mga taong ginto ang sapin sa paa, ngunit ang iba’y di man lang mapagbigyan ang kumakalam na sikmura? Hindi mapakain ng sapat ang kanilang mga anak kahit matapat silang nagtatrabaho. Bakit ito nangyayari? Lahat naman tayo ay mga tao, magkakapatid sa lipunan. Lahat tayo ay pantay-pantay, hindi ba? Ngunit bakit?

Dahil nababalot ng kasinungalingan ang lipunan. Isang malaki, walang humpay at kakilakilabot na kasinungalingan. Huwag madaling maniwala sa kung ano man ang mga nilalaman na balita sa telebisyon.

Ang mga tao ay hindi pantay – pantay at ang pera ay hindi rin panukat ng trabaho. Lahat ng ito ay puro lapastangan at kasinungalingan. Bakit nila ito ginagawa? Binabalot ng kasinungalingan ang mga tao sa lipunan. Para ba upang  madaling pangasiwaan at diktahan ang mga tao?

Sabihin na nating isa kang oligarka ngayon. Kapantay mo ba ang iba? Sa anong paraan? Ikaw ay namumuhay sa ibang antas, ikaw ay kumakain at namamahinga ng iba sa karamihan. Kung ikukumpara mo ang iyong pamumuhay sa klase ng pamumuhay meroon ang mga ordinaryong tao sa lipunan, nasaan dito ang tinatawag na pagkakapantay-pantay.?

Marahil sasabihin mong pantay ang lahat sa usapin ng karapatan. At ito ay nakasaad sa saligang batas. Ngunit sa anong aspeto ng karapatan na kapantay ng mga ordinaryong mamamayan ng lipunan ang mga oligarka?

Karapatang magtrabaho? Ito ay karapatang nakasaad sa ilalim ng saligang batas ng bawat bansa. Walang maaring makipagtalo ukol dito. Magtrabaho ng maigi, magsumikap para sa kaninong benepisyo? Sa mga oligarka na pinaglilingkuran?

Karapatang mag halal at ihalal? Tama na ikaw ay maaring bumoto, ngunit paano ang karapatang maihalal at mailoklok sa pwestong pang gobyerno at magserbisyo? Meron kabang pera para dito? Pondo para sa pangangampanya? Wala kang magagawa kundi bumalik sa pagtatrabaho at patuloy na magsumikap. Ang karangyaan ng buhay ay hindi para sa iyo, hindi pinahihintulutang maging karapat dapat sayo. Ito ay para lamang sa mga taong pinagsisilbihan mo.

Meron pa bang mababanggit na aspeto ng pagkapantay pantay? Marahil ay napagtanto mo na. Anong klase ng pagkapantay pantay meron ka sa kanila? Ito ay dapat hinggil sa pangkalahatang pagkapantay pantay at kapatiran.

Tukuyin naman natin ang usaping pera. Hindi natin pag uusapan ang tungkol sa sukatan ng pagtatrabaho. Dahil ito ay kwentong walang katuturan. Ang pera ay hindi sukatan ng paggawa. Ngunit ano nga ba ang pera? Ang pera ay kadena, isang napaka tibay na kadena na gumagapos sa atin bilang mga alipin nito. Tayo ay mga alipin. Tama ! mga alipin ng modernong panahon. Inaalipin tayo ng pera. Inaalipin ng mga taong maykayang gumawa nito. Alipin ng mga oligarkang pinagsisilbihan natin.

Walang naging pakakaiba ang mundo makaraan ang ilang siglo. Patuloy parin tayong namumuhay sa panahon ng pang aalipin. Ito’y nag iba lang ng anyo. Mas desente at mapustura. Ang ating mga kadena ay hindi na mabigat at makalawang, hindi na nakikita ng mata at hindi lubusang nararamdaman. Malayang malaya ang pakiramdam kung tutuusin.

Ngunit sa katotohanan, nakagapos parin ang kadena ng pang-aalipin sa bawat isa. Hindi tayo malaya at hindi kailan man naging malaya. Tunay na ang kalayaan ay isang ilusyon. Tayong lahat ay alipin ng makapangyarihang pera. Kung wala ka nito, saan ka patutungo? Hindi tayo ngayon nakatira sa panahon ng bato (“Stone Age”) na pwedeng tumira at mamuhay sa mga kweba, sapinan ang sarili ng balat ng hayop at mangaso ng kakainin. Kakailanganin mo ang bahay, damit at pagkain. At lahat ng ito ay may katumbas na halaga. May katumbas na pera. Ang lahat ng bagay na nakapalibot ay para sa pera at dahil sa pera. Hindi ka makakagalaw kapag wala ito. Ngunit saan nga ba manggagaling ang pera. Tama! Dapat itong kitain. Dapat magtrabaho at dapat maglingkod. Naririnig mo ba ang kalansing ng kadenang nakabugkos?

Minsan mo bang naisipan na imoral ang pagbebenta ng sarili? Na isang uri ng prostitusyon ang ibenta ang iyong lakas, kaalaman at oras? Ang pagtatrabaho ay walag kaibahan sa pagbebenta ng laman, tama?  Ngunit anong mangyayari kung tayo’y aayaw dito? Kung ang lahat ay titigil sa pagtatrabaho? Ano ang tiyak na kahihinatnan? Ang kumalong ulit sa mga kweba?

Ito ang katotohanan. Walang nabago ni kailan man. Patuloy parin tayong naninirahan sa lipunang balot ng kasamaan ng pang aalipin. Pang aaliping dulot ng pera.  Tama na kailangang gumawa at magsumikap at maging produktibo sa lipunan. Ngunit dapat ito ay boluntaryo at hindi para sa isang mangkok ng sabaw para matugunan ang kumakalam na sikmura at para mabuhay. Nararapat lamang na gawin natin ang gusto nating gawin. Na magagawa natin ang ano mang naisin.

At kung ang pagtatrabaho ay kinakailangan, ito’y nararapat lamang na gawin ng lahat. Lahat ay pantay-pantay. Lahat ay kailangang magtrabaho at gumawa.   Ngunit nakakakilabot ang realidad. Kung ang iba ay buong lakas ang puhunan sa pagtatrabaho, kasama ng magkahalong dugo at pawis sa ngalan ng pera, may ibang inililimbag lang ito, kasabay ng pag-inom ng mga mamahaling alak. Ang sitwasyong ito ay hindi katanggap tanggap. At walang eksplinasyong naayon sa kaganapang ito.

Ang pera ay papel lamang, gaya ng balot ng kendi. At ang mga balot ng kending ito ay ipinamamahagi sa mga alipin bilang bayad sa paggawa. At kapag ang balot ng kendi ay nadagdagan, ibig sabihin ay may dagdag sa sweldo nila. At magiging maligaya ang mga aliping ito. Nagulat ba kayo? Ito ang napakasaklap na katotohanan.

Paano naka ayos ang financial world? Ito ay alinsunod sa istrakturang pyramid. Ang Fed o U.S. Federal Reserve System ang nasa tuktok ng pyramid. Ito ang naglilimbag ng dolyar. Gaano karami ba ang nililimbag nito? Kahit ilang naisin nila. Ngunit syempre, ito ay alinsunod sa kanilang sariling patakaran at regulasyon gaya ng hindi paglimbang ng sobrang dami upang maiwasan ang pagpawalang halaga ng dolyar. Ngunit sa katotohanan,  maaaring makapaglimbag ang Fed ng kahit na ilang dolyar kung gugustuhin nito. Walang kahit na ano mang panglabas na limitasyon ukol dito. Sa katotohanan, ang US Fed ay gumagalaw para sa kanilang sariling kapakanan.

Sa gawing baba nito ay ang mga bangko sentral ng mga bansa; at sa mas mababang lebel  pa nito ay ang mga local national banks. Bakit nga ba kailangan ng lipunan ang mga bangko? Sa paghahalintulad, ang mga bangko ay parang mga blood vessels. Sa mga blood vessels na ito dumadaloy ang pera (dugo) patungo sa lahat ng organs ng organismo mula sa puso (Bangko Sentral). Ang pera (blood) ang nagbibigay buhay sa mga ito.

May direktang relasyon ba ang U.S. Federal Reserve System sa atin? Ano ba ang kinalaman ng dolyar dito? Ito ay dahil ang dolyar ay ang “global currency”  Gawin nating halimbawa ang Russian Central Bank. Hindi ito maaaring maka imprinta ng “rubles” nang walang permiso ng U.S. Fed! Ito ay totoo! At kapag naka pagsupply na ang Russia ng oil at gas sa USA sa halagang bilyong dolyar, saka pa ipahihintulot sa Russian Central Bank na makapag imprinta ng rubles sa halagang bilyon dolyar din.  Ito lamang ang tanging paraan kundi ito ay mapapaalis sa IMF at bilang kahahantungan, ang ruble ay hindi na magiging freely convertible currency.

Balikan natin ang katanungang, bakit ang mga bankers ay namumuhay ng mas marangya kumpara sa mga manggagawa? Wala parin tayong tiyak na kasagutan! Ano ngayon kung siya ay “blood vessel”? Meron din naman tayong ginagampanan na importanteng tungkulin sa lipunan bilang manggagawa. Siya ba ay nagtatrabaho ng mas mahirap kung ikukumpara sa atin? Hindi! Kung gayun, bakit siya ay mas namumuhay ng marangya?

Gawin nating halimbawa ang isang tipikal na sitwasyon.

Si Nick at Jane at si Mr. Smith, ang banker nila. Gustong gustong bilhin ni Nick ang bisikleta ni Jane. Ngunit hindi sapat ang kanyang pera. Meron lang siyang $10. Ibinibenta ni Jane ang kanyang magandang bike sa halagang $100. Ito ang problema!

Ano ang dapat na gawin ni Nick? Matindi ang pag nanais niyang mabili ang bike na ito. Binigay niya kay Jane ang kanyang $10 bilang deposito para sa kasiguraduan na hindi niya ito ibebenta sa iba. At nangakong ibibigay ang kabuuan ng pera agad. Saan nga ba kukuha ng pera si Nick upang mabigay ang kabuuang kabayaran para sa bike? Siya ay lumapit sa kanyang bangko, kay Mr. Smith para mangutang ng halagang $90. Ngunit sa kasamaang palad, walang pera si Mr. Smith sa pagkakataong iyon. Ngunit alam niya ng lubusan ang tungkol sa $10 na dineposito ni Nick kay Jane. At alam niya kung saan ito dadalhin ni Jane. Tama! Ilalagay niya ito sa kanyang bangko, kay Mr. Smith. Ibig sabihin, pababalikin ni Mr. Smith si Nick kinabukasan at inaasahan niyang sa araw ding iyon makukuh niya ang $10 na galing naman kay Jane upang ito ang ibigay kay Nick.

At gaya nito ang mangyayari. Kinabukasan idiniposito ni Jane kay Mr. Smith ang paunang bayad ni Nick sa kanya na $10. At ito naman ang ibinigay ni Mr. Smith kay Nick bilang pautang. Agad namang binigay ni Nick kay Jane ang perang nahiram nita sa kanyang bangko, kay Mr. Smith. Ito nama’y agarang dadalhin ni Jane kay Mr. Smih para ideposito. Ito naman uli ang pinautang ni Mr. Smith kay Nick. Patuloy ito hanggang sa makautang si Nick mula kay Mr. Smith ng kabuuang halaga ng bike ni Jane. Nakakatawang isipin , totoo!

Ano sa tingin ninyo ang nangyari kalaunan? Oo! Nakuha na nga ni Nick ang bike mula kang Jane. At si Nick ngayon ay may pagkakautang sa bangko (Mr. Smith) ng $90 at ang bangko ay may pagkakautang naman kay Jane na $100.

Sa madaling salita, ang $10 na naunang perang nilabas ni Nick upang ideposito kay Jane ay naging $200 ($190 na perang utang at ang totoong perang inilabas na $10)

Ang $10 ay maaari pang maging libo, o kahit milyo o bilyon pa kapag si Nick ay patuloy na bibili ng mga mamahaling bagay at patuloy na mangungutang kay Mr. Smith (bangko).

Ito ang katotohan sa mundo ngayon. Ang mga bangko ay may kakayahang gumawa ng pera mula lamang sa hangin at paramihin ito. Sa madaling salita , hindi lamang ang Fed ang nakakagawa ng pera kundi pati narin ang mga bangko. Lahat kayang gawin ito, maliban lang sa akin at sayo dahil hind tayo kaisa sa kanila.  Kung totoosin, ang mga bangkong ito ay nagpaparami ng pera ng walang kontrol. At magtataka pa tayo kung bakit ang mga bankers ay namumuhay ng mas marangya? Napaka bobo naman natin. Ngayon ay hayagan na. Kung sino ang mga may kakayahang gumawa ng pera, syempre, ay namumuhay ng marangya at masagana!

Ngunit hindi pa dito nagtatapos! Ang kaawa awang Nick ay hindi magagawang bayaran ang lahat ng kanyang pagkakautang sa bangko. Kahit gaano man ito magpakahirap magtrabaho. Hindi pa niya tahasang alam na siya ngayon ay alipin na ni Mr. Smith (bangko), na siya ngayon ay gapos ng kanyang pagkakautang habang panahon.  Dahil ang $90 na utang niya kay Mr. Smith, ay hindi totoong mayroon. Ang madunong na si Mr. Smith ay ginawa lang ito mula sa wala, gawa mula sa hangin. Sa isang kumpas, ang $10 ay naging $200

Alam ko na sasabihin mo rin na ang bangko din ay may pagkakautang kay Jane ng $100 at kung iisipin, ang bangko din ay gapos ng pagkakautang kay Jane at hindi rin nito magagawang bayaran si Jane.  Saan ngayon dito ang kita ni Mr. Smith (bangko). Meron nga bang panloloko dito?

Sa katotohan, marami ang kagaya ni Jane, libo-libo at milyon-milyon, at hindi nila kinukuha ang kanilang mga perang nasa mabuting pag-aalaga daw ni Mr. Smith (bangko) ng sabay sabay. At kapag ang isang gaya ni Jane ay kukuha ng kanyang pera kay Mr. Smith (bangko), ang pera niya ay ibabalik galing naman sa pera ng sampu pang ibang gaya ni Jane. Ibig sabihin na ang pagkakautang ng bangko kay Jane ay hindi magbibigay ng panganib sa bangko. At sa katotohanan, ang utang na ito ay “virtual” lamang, na nakasulat lang sa papel o di kaya’y nasa computer program lamang. Hindi ito mababayaran sa realidad.

Alam nyo ba ang rason kung bakit ang mga bangko ay naba-bankrupt? Dahil wala silang sapat na pera para maibalik lahat sa mga depositors ang mga pera nila. Dahil 90% ng laman ng bank vaults ay hangin!

Ibig sabihin lang nito ay walang danyos na maidudulot ang pagkakautang nito ng $100 kay Jane. Hindi natin kailangang maging apektado dito. Ngunit ang ating si Nick ay ang may malaking problema. Kailangan niyang mabayaran ang lahat ng pagkaka utang niya sa bangko. Na kumpleto, kasama na ang tubo at mga penalties nito. At kapag hindi niya ito magagawa, siya ulit ay mapipilitang mangutang muli ng bago sa bangko upang mabayaran ang dating pagkaka utang nito. At patuloy pa ito. Paulit ulit niya itong gagawin hanggang sa kanyang kamatayan. Walang ano mang paraan upang makatakas siya dito. Kahit sa katotohanan, ang mga ito ay hindi totoo. Yan ang panloloko! Habang buhay na may pagkakautang si Nick kay Mr. Smith (bangko). At kapag siya ay namatay, ang pagkakautang niyang ito ay ipapasa as kanyang mga anak at mga apo. At sila’y magtatrabaho ng lubos para dito. Sila din ay magiging alipin ng bangko. Alipin nang nakapangingilabot at nangangaing “global financial system” na ito. Ito ay kailangang sirain ng tuluyan.

Financial Apocalypse! Ito ang paraan upang maputol ang kadenang nakagapos sa ating lahat at tayo’y tuluyang maging malaya. Ito ang magpapalaya sa atin mula sa ilang siglong pang aalipin. Ang dating mapang-abusong pamamaraan ay lalamunun ng nagbabagang apoy ng Apocalypse at papalitan ng bago.  Tutupukin nito ang Federal Reserve, at ang lahat ng mga bangko ay magbabagang tuluyan. Ang mga ito ay hindi totoong nagbibigay ng buhay, ito’y hindi dapat na paniwalaan. Bagkus, ang mga ito’y kamatayan ang dulot sa atin. Sinisipsip nila ang ating mga dugo hanggang sa huling patak nito, gaya ng mga hayok na linta na mahigpit kung kumapit. Ano nga bang ginagawa nila sa atin na kapakipakinabang? Ang mag pautang na may kalakip na pang aaliping tubo?

Bakit nga ba nagpapataw ng interest ang mga bangko sa perang hinihiram sa kanila? Diba nga’t kinamumuhian ng nakararaming bansa ang “usury”?  Ngunt bakit ngayon, ito ang kalakalan? Ang isang mamumuhunan ay mangungutang sa bangko at papatawan ng lampas leeg na tubo.  Sa anong dahilan ito? Ang negosyanteng ito ay nag nanais na makagawa ng kapakipakinabang para sa lipunan at kasama sa lipunang ito ang mga bankers. Kailangang suportahan ang nais na ito ng mga namumuhunan at bigyan dapat ng pribiliheyo. At hindi babalatan ng sobra sobra.

Ngunit ang mga bangko ay hindi ginawa para dito. Ang kapakanan ng lipunan ay hindi importante sa kanila kundi ang kanilang tubo at kanilang makukuhang benepisyo. At wala silang pakialam sa mga tao. Sila ay mga sunod sunuran ng Federal Reserve; mga sakim na nagsisilbi sa isa ring mapanlinlang at kasuklamsuklam na elemento na nagnanais na igapos at gawing alipin ang buong mundo. Na sumisipsip hanggang sa kaibuturan ng ating kalamnan, hanggang sa ating mga anak at mga apo, kapag wala tayong gagawin at patuloy natin itong bubuhayin.  Apocalypse! Tanging “Financial Apocalypse” ang solusyon. Wala na tayong nakikita pang ibang paraan. Hindi tayo mga alipin. Piliin natin ang KALAYAAN!

Ang kalayaang ito ay abot kamay na. Dahil sa MMM, ang isinusulong nating “Financial Apocalypse” ay hindi na maiiwasan. Panahon lang ang tanging hinihintay. Tayo’y nakapagtanim na. At di maglalaon, ito’y tutubo. Kahit nga ngayon, ito’y tumutubo na. At ito’y mananatiling uusbong.



About the author

jerwin-agaloos

I'm Jerwin Agaloos. . 21 years old and I also used Bitlanders to earn and to have friends

Subscribe 0
160