"Ikaw ang Dahilan" Akda ni: Dondon Carlos Mantala

Posted on at


 

Muling sinasariwa sa paham na isipan
Mga panahong ikaw ay nasumpungan
Sa iyong pagakay mula sa kamusmusan
Hanggang sa pagtanda ikaw ay nariyan

Ako ay pinapasyal sa lugar na masaya
Laging sinasabing Oh! anak magingat ka
Sa kanyang pangaral at angking disiplina
Buhat sa pagkabatay aking dala dala

Siya iyong taong binibigkas ay tagumpay
Na matutong magipon sa hirap ng buhay
Tanging edukasyon pamanang maibibigay
Sandata ng isip dunong ang tinataglay

Hanggang isang araw tukso ay nagbukas
At di na inalam ang darating na bukas
Umuwi ng bahay nadatnang umiiyak
At bigla syang nagtanong ikaw ba aking anak?

Napipi yaring dila at di makapagsalita
Tila ba nagsisisi kung bakit ito nagawa
Sa aking narinig mukha ko'y namutla
At di ko napansing ako na pala'y lumuluha

Ilang oras pa'y isang ingay ang pumaibabaw
Na tila nanggaling sa kuwartong pahingaan
Agad akong pumunta upang alamin ang dahilan
Wala na siyang buhay ng aking matagpuan

Pinilit kong buhatin upang isugod sa hospital
Baka sakaling maisalba't doon ay magkamalay
Ngunit sa paghatak ako'y biglaang natumba
Sa aking pagkadapa ay doon ko naalala

Na di sana ito nangyari kung hindi ko sinuway
Ang utos at pangaral ng mahal kong itay!
Patawad oh ama! di ko ito kagustuhan
Sanay mapatawad sa aking kasalanan!

Ako ay tumayo at nagbitaw ng pangako
Pangakong kailanman ay di mapapako
Muli akong babangon at di na matutukso
Na muli pang malulong sa masamang bisyo

Ikaw ita'y ang magsisilbing inspirasyon
Upang maabot mga pangarap mo noon
Na sa hirap ng buhay tayo ay makabangon
At makamit ang tagumpay gamit ang edukasyon!

Edukasyong kahit saan ay aking gagamitin!
At di matutumbasan ng kahit anong kusing..
Saan man pumunta ay aking itong dadalhin
Lubos kong iingatan pangaral nyo sa akin!!!!!!

Happy fathers day poh!!!!!!!!!
sad but may aral po kayong mapupulot!!



About the author

jerwin-agaloos

I'm Jerwin Agaloos. . 21 years old and I also used Bitlanders to earn and to have friends

Subscribe 0
160