Karanasang Di Malilimutan

Posted on at


Grabe! Sobrang epic ng araw na to sakin! Pambihira talaga!!! Nakakagigil na nakakaiyak!! Bumili kasi ako ng perfume last week sa penshoppe. Then kanina nag punta ako sa mall at pumunta ulit ako sa penshoppe para mag tingin tingin then nakita ko may bago silang scent. So inamoy ko yung tester nila then nilabas ko yung binili kong perfume last week at pinag compare ko. Pareho sila ng amoy. So nilagay ko na sa bag ko yun perfume na binili ko last week then lumabas na ako ng store tapos… may narinig ako na sumigaw sabi “sir” so hindi ko pinansin deadma lang ako. Then narinig ko ulit may sumigaw “SIR!” Tapos sabi nung guy sa tapat ng store “Kuya kayo po yata yung tinatawag ng guard” edi lumingin ako. Confident pa akong lumapit sa guard then sabi ng guard sakin GUARD: Sir kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka lumilingon? (Inis yun tono ng guard) AKO: Sorry po hindi ko alam na ako pala yun. GUARD: Pa check nalang po yung bag nyo. AKO: (napaisip) Ha, bakit po!? GUARD: May naka kita po kasi sa inyo na nag bag kayo ng pabango. AKO: Hala wala po akong kinuha edi sana tumunog na yung alarm nyo! GUARD: Pacheck nalang po yung bag. Edi binigay ko yung bag ko. Ang taray ko pa nung inabot ko yung bag ko kasi ayoko talaga ng pinag bibintangan at alam ko sa sarili ko wala akong kinuha. GUARD: eh ano to!? AKO: Binili ko pa yan last week. GUARD: Naku! May resibo po ba kayo? AKO: Hala grabe naman kayo syempre naitapon ko na yun! GUARD: Sa office nalang kayo mag paliwanag. AKO: Ay di ko nga po kinuha yan binili ko yan last week tsaka may lakad pa ako. (pinag titinginan kami ng mga tao) GUARD: Sumama nalang po kayo ng maayos para wala ng gulo. (Sumama ako ng maayos at pag dating namin sa office…) BOY: Sir bakit nyo po kinuha yung pabango? AKO: Wala po akong kinukuha! BOY: May naka kita po kasi sa inyo na binag nyo yung pabango. AKO: Hala! Pinag compare ko lang po yung binili ko pa last week. BOY: Umamin ka na ng wala ng gulo. AKO: Wala naman po akong aaminin dahil wala naman akong kasalanan (Hanggang sa napaiyak na ako!) BOY: Hindi nyo kami madadaan sa iyak nyo. Ganito nalang ho. Isuot nyo yan (Ang nakalagay; SHOPLIFTER AKO HWAG TULARAN) At mag lakad ka sa buong mall. AKO: (mas lalo akong napaiyak) Grabe naman po kayo hindi nyo pa nga pinapakita sakin yung cctv! BOY: Hindi na need kasi nakita naman na namin. Kaladkarin nyo na yan samahan nyong umikot (sabi nya sa guard) Nanginig ako sa takot at hinang hina sa lambot. So lumakad na kami at naka lagay sa kalatura na naka sabit sa leeg ko SHOPLIFTER AKO HWAG TULARAN! Pinag bubulungan ako ng mga tao at nanginginig buong katawan ko sa hiya. So bumalik na kami sa office. Parang hinigop lakas ko sa hiya namumutla mukha ko at hinang hina. Napansin ng officer na namumutla ako kaya binigyan ako ng tubig. Pag abot ko ng tubig nadulas sa kamay ko dahil hinang hina nga ako at nandilim paningin ko. Pag dilat ng mata ko panaginip lang pala.

 

My Blog: lifetimeencounters.com/masaklap-kong-karanasan/



About the author

levy-galorpo

A simple person.

Subscribe 0
160