LAZINESS OR KATAMARAN

Posted on at


Naniniwala ba kayo na may mga taong nilikha ng Diyos para maging tamad?
Ako ay naniniwala na walang Pinoy na tamad. 
Tayo ay nilikha ng Diyos para maging productive at fruitful ang buhay.

Pero bakit may mga taong tamad? Ang tanda-tanda na, hindi pa rin nagbabago. Kahit may asawa at anak na, ‘yung misis pa rin ang kumakayod, imbis na siya. Masyado pang demanding minsan, kapag hindi nakukuha ang gusto nila. Bakit may taong tamad?

Uulitin ko, ang paniniwala ko ay hindi sila lubos na tamad, karamihan sa kanila ay TAKOT.

Takot dahil minsan nang sumubok at nabigo.
Takot sila sa sasabihin ng ibang tao.
Takot sila na harapin ang katotohanan.
Takot sila dahil hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanilang buhay.

Sa sobrang takot, mas minabuti na lang nila na walang gawin at tiisin kung ano ang kanilang buhay.

Kahit kapos, naghihirap at lubog sa utang, titiisin na ang lahat, huwag lang maramdaman ulit ‘yung takot.

Pero ang tanong ko sa iyo, kapatid, "Gaano ka tatagal at mabubuhay sa takot?"

Sa palagay mo, hindi ba dapat gawan mo ‘yan ng paraan, dahil matagal- tagal na rin ‘yung feeling mong ‘yan?

‪#‎takot‬ ‪#‎fear‬ ‪#‎tamad‬ ‪#‎chinkeetan‬

Do you have the fear of public speaking?
Want to overcome it?



About the author

jerwin-agaloos

I'm Jerwin Agaloos. . 21 years old and I also used Bitlanders to earn and to have friends

Subscribe 0
160