LOVE ADVISE: Tama Bang Nagseselos Ako?

Posted on at


                                                  

 

 Someone asked me:

Hindi ko po alam kung mahal ko na siya pero dumating na lang sa punto kung saan nagseselos na ko kahit magkaibigan lang naman kami. Tama ba tong nararamdaman ko?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

You're a guy and your friend is a girl. Hindi malabong madevelop ka sakanya or on the otherhand madevelop siya sayo. Gaya nga ng sabi nila, opposites do attract. I also experienced the same thing back then. Lalo na at magkaibigan talaga kayo so there's a big chance na palagi kayo magkasama. Sa tawanan, asaran, sa gimik maaaring kasama mo siya with your other friends. Dahil dun nakikilala nyo na ang isa't isa. Nung una akala mo concern ka lang kasi kaibigan mo siya pero hindi mo namamalayan iba na pala yang pagka-concern mo. Hanggang sa ito na nga katulad na lang ng sinasabi mo na nagseselos ka na kahit friends lang kayo. Sa totoo lang, ikaw lang ang makakasagot kung ano talaga ang meaning ng pagseselos mo. Marami tong pwedeng maging meaning but for what I can see, eh nagseselos ka dahil mukang nahulog na talaga ang loob mo sakanya.

My Advise:

Para sakin hindi tama yang nararamdam mong selos kung hindi mo naman kayang panindigan. What I mean is, friend ka lang and it's okay to be concern for that girl but selos? Sa tingin ko hindi tama. Unless liligawan mo siya at maging kayo, dun okay ang magselos.

Ito pa kung mahal mo talaga siya,  Go for it! Huwag kang matakot. Pakiramdaman mo siya. Mahirap magtago ng feelings. Habang tumatagal, nasasaktan ka lalo. Wala namang masamang mag-try. Ang importante ma-busted ka man nya atleast naging matapang ka na iharap kung ano talaga nararamdaman mo para sa kanya.

In a Nutshell: Be always prepared for the consequences of your actions. Kung liligawan mo siya maraming bagay na dapat isaalang-alang dahil marami ding bagay ang pwedeng mabago.

Lahat ng ito ay advise lang. Ang huling desisyon ay nasa iyo pa din. Goodluck and God blessed!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Need advise? Let me know! I'll try my best to give you the best advise. It's free! Just send me a message! Necessary Informations will be kept anonymous depending on your request!

-Rhanz

 



About the author

Rhanz

I simply love hanging out over the internet discovering new stuff and meeting new friends!

Instagram: @rhanzferrer
Twitter: @ranzferrer

https://friendiary.wordpress.com If you're free please visit my blog. Though I stopped writing for like 5 months. I will find time to update it. :)

Subscribe 2936
160