MAHIRAP pero MASAYA

Posted on at


Naging Pamantayan na Palagi nang Mga tao Kalimitan ang Materyal na Bagay Para Masabing Mayaman o Mahirap ka.


Tini-tingnan sa Mga Gamit sa Bahay o Pananamit Ninyo nang Pamilya mo,"Ang Hirap Maging Mahirap" Sabi nga nang Mahihirap na gaya namin.


Pero sa palagay ko hindi sapat na dahilan yun para maging hadlang sa pagiging masaya ng tao.. Ang


pagkakaroon ng masayahin at kumpletong pamilya sapat na. Para saakin ang hindi sila matamlay at walang mga sakit biyaya ng matatawag.


Bilang isang ina ng tahanan,hindi ko sinasabing ayoko yumaman,hahaha! sino bang may ayaw? Apat ang anak ko dalawang teenager yung panganay ko sa TESDA ngayon yung pangalawa ko naman OPEN HIGHSCHOOL at yung dalawa nasa elementary grade 3 at grade 2.


Gusto ko sila makapag tapos ng pag aaral at sa abot ng makakayanan ko gagawin ko ang lahat para hindi nila maranasan ang hirap ng buhay..


Naglalako ako sa umaga ng kakanin at pagdating ng hapon merienda naman sa tapat lang ng pinto ng maliit naming bahay.


Naka High School naman ako hindi lang nga natapos.panganay ako pito kaming magkakapatid kaya naobliga agad ako magtrabaho para sa pamilya at mga kapatid ko,sa edad ko na 14 ipinasok nako ng nanay ko bilang katulong sa marikina pero lumayas ako at umuwi sa bahay kaya nagalit nanay ko kase daw na advance na nila ang sahod ko.,kaya ayun gulpi inabot ko nangutang sila para maibalik ang kinuha nilang advancena sahod ko..


Araw araw inuulam ko ang sumbat nila sa pangyayari na yun..pero pagkalipas ng isang linggo nagtaka ako bakit ang bait ng tatay at nanay ko sakin binilhan ako ng mga bagong damit sapatos at may kolorete pa.


NANAY:Alam mo dalaga kana dapat matuto kana mag ayos ng sarile mo


AKO: opo salamat po!(medyo naiiyak pa)


NANAY: Bukas isasama kita sa kumare ko ha?


AKO: opo (excited)


 


Kinabukasan umaga palang pinaligo na ko ng nanay ko "Mag hilod ka at ikaskas ang papaya sa mga tuhod at siko mo.,yan ang malitanyang sabi ng nanay ko. "Opo.


ala-una alas dos alas tres wala naman ng yayari tuyo na balat ko hindi naman kami umaalis,hays. makakatulog na ko at sa palagay ko hindi na kami matutuloy sa lakad namin kase ang nanay ko naka upo na din sa umpukan ng mga tropang chismakers! (tsismosa) 


"Gisingggg!!! gisingg!!.. si nanay tila galit..Hala gabi na pala nakatulog ako pasado alas sais na at aalis na daw kami.


Sa isang maingay at mataong lugar kami nag punta karamihan nag iinom at nag uusap sa loob hinanap niya sa isang tao dun si girlie kumare daw niya yun. e hindi ko pa naman naririnig ang pangalan na yun kahit kaninong binyag ng mga kapatid ko.,iniisip ko kung dun ako mamamasukan bilang katulong hindi ko kakayanin sa dami ng tao dun malalamang mamatay na ko sa paglilinis hindi pa din ako matatapos.


Wala pang limang oras dumating na si Girlie mga isang oras lang naman, :)


anu ba yan kanaina ka pa dapat pumunta mas maaga sabi nung Girlie,medyo gabi na lasing na yun mga kausap ko,pero sige subukan natin isalpak baka pwede pa. sya  na ba? oo bata pa yan medyo matigas lang ang ulo.


ipinasok ako ni nanay bilang Dancer Entertainer sa NightClub na yun,wala naman ako magagawa kundi pumayag kase para daw makapag aral mga kapatid ko at mabili ko ang mga kailangan namin sa buhay,.


DALAWANG BUWAN ,Dalawang buwan na kayong hindi bayad azon!! naulinagan ko ang ingay mula sa baba ng bahay pungas kong tiningnan kung ano yun ingay na yun,si aling teves pala naniningil sa bahay.


tiningnan lang ako ng nanay ko.Oho mamaya kahit madaling araw ipapadala ko ang bayad sa inyo sosobrahan ko ng isang buwan aling teves wag kayo mag alala, "abat bastos na ito ah. hoy siguraduhin mo lang ha dahil kung hindi sa kalsada na na kyo mag almusal mag iina!! halos ganun madalas utang dito utang dun sila nanay ako naman si bayad.


 


KALAKARAN SA CLUB samot sari hanggang makapg Japan ako isa dalawa hanggang tatlong beses ako dun walang naipon ang tatay at nanay ko hindi nakapag tapos mga kapatid ko kahit mayat maya sila humihinge ng padala halos ikamatay ko na ang pag aalala sa mga kapatid ko dahil kesyo daw naka confine kinumbulsyon,may bulutong namamaga paa may rashes may pigsa may ganito ganun,mayat maya as in mayat maya sila humihingi.


PINAS,pag uwi ko sa bahay wala pa nabago kundi ang entrance lang ng bahay namin na sementado at kaonting pintura na hindi pa tapos,pag pasok sa bahay wala naman bagong gamit kahit pinggan wala,mga kapatid ko puro payat,hindi nagsisipag aral. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig.


MAHIRAP mamuhay sa pilit na karangyaan sana matuto tayo sa dahan dahan at malumanay na paraan,sa ngayon pinag aaral ko lang muna ang mga anak ko at nag titiis kami sa maliit na bahay sa ilog ng malaria caloocan kami nakatira kung saan magulo maingay at madaming madaming tsismosa! haha.. pero hindi ko tinitingnan ng mahirap ang lugar namin,basta mangarap magsikap ng may takot sa Diyos walang imposible! 


 


 


 


 


 



About the author

sionyy

This is me

Subscribe 0
160