Mga kalokohan sa klase

Posted on at


Mga Kalokohan sa klase

Sa kalagitnaan ng klase namin kagabi sa Business Finance, biglang nagkwento si prof ng talambuhay nya. Di ko na maalala kung pano niya na-connect buhay niya sa discussion. Basta ako na-bored, Kaya di ko na pinakinggan. Haha. Di ko namalayan nagsisimula na pala ko magdrawing. Nauwi sa doodle ang matino kong pagsusulat. At ito po ang resulta (Wag na lang pansinin ang tamad na penmanship lol)

Actually, meron pa yan sa gilid. May macho (may six pack abs lol) gwapitong drawing na medyo masagwa.(Si seatmate po nagdrawing hindi ako) Hahaha. Yun po ang rason ng paglalaway ng mukhang monster na isa ang mata. Hahahhaha.

Gawain ko talaga to pag na-bobored sa klase. Kung titingnan nyo notebook ko, maraming doodle/drawing sa back pages. Pero marami pa kong kalokohan. Nagawa ko nang bilangin kung ilang beses bigkasin ng prof ko sa Financial Management ang salitang "noh" habang nagbabasa siya ng libro este nag-didiscuss "daw". 

Kayo ba? :D



About the author

Mademoibelle

Kpop & K-drama fan

Subscribe 0
160