Midnight Realizations:

Posted on at


Oo nga no. Kadalasan, sabi tayo ng sabi kung ano ba ang dapat niyang gawin, ikilos at isipin. Lagi tayong nagbibigay ng listahan ng dapat niyang maging at dapat niyang gawin.

Pero naiisip ba natin na "dapat" pa ba yung ginagawa natin? Kailangan pa bang gawin natin yun? Sabihin? Iutos? Asahan?

May sarili naman siguro silang pag-iisip para gumawa ng mga desisyong sila mismo ang magdadala.

Maaaring isang beses nating pwedeng gawin yun o dalawa o tatlo pero siguro lahat may limitasyon. May kanya -kanya tayong buhay na dapat pagtuunan ng pansin.

Alamin kung kailan tama na. Baka kasi nakakasakit ka na nang hindi mo sinasadya.



About the author

160