Unang pasok ni Pedro sa school at binigyan sila ng 5 tanong. Sa bahay, nagtanong si Pedro sa nanay niya.
Pedro: nay ano sagot sa no.1?
Nanay: PUNYETA KA MARAME KONG GINAGAWA!
Pedro: salamat nay. (Sinulat ni Pedro ang sagot)
(Pumunta si Pedro sa tatay niya)
Pedro: tay ano sagot sa no.2?
Tatay: (kumakanta) dun sa kubeta, dun sa kubeta.
(Pumunta si Pedro sa ate niya na gumagawa ng assignment sa Math)
Pedro: ano sagot sa no.3 ate?
Ate: 50 60 70 80 90
(Sinulat ni Pedro yung sinabi ng ate niya, pumunta siya ngayon sa lola niya na kumakanta sa videoke)
Pedro: lola anong sagot sa no.4???
Lola: Dahil MAHAAAAL kita!!!
(Sinulat ni Pedro yung sagot ng lola niya, pumunta siya ngayon sa kuya niya na kinokopya yung paborito niyang TV actor)
Pedro: kuya kuya anong sagot sa no.5?
Kuya: I shall return.
(KINABUKASAN SA SCHOOL NIYA TINANONG SI PEDRO NG TEACHER NIYA)
Teacher: Pedro anong sagot sa no.1?
Pedro: PUNYETA KA MARAME KONG GINAGAWA.
Teacher: san mo natutunan yan??
Pedro: dun sa kubeta, dun sa kubeta.
Teacher: (nagalit) ANONG GUSTO MONG GRADE??!
Pedro: 50 60 70 80 90
Teacher: (lalong nainis) bakit mo ko GINAGANITO?!
Pedro: Dahil MAHAAAAL kita!!!
Teacher: SUSPENDED KA!!!!