‪#‎Relationship101‬

Posted on at


"Sa isang relasyon, importante ang komunikasyon."

Bigyan natin ng time ang isa't-isa. Ang love kasi, continuous process siya, once na nakuha mo yung puso niya, kailangan mng i-retain yung level ng attachment niyo sa isa't-isa. And one factor na napakaimportante sa isang relationship, communication.

Yung kahit hindi kayo nagkikita madalas, magtext ka man lang or chat. O kahit 5 minutes lang ng 24 hours mo every day. Kahit ganun lang.

Iba pa rin kasi kapag nag-uusap yung dalawang tao. Yung nagpapalitan sila ng mga salitang bumubuo sa pagkatao nilang dalawa. Yung marinig mo lang boses niya o kaya malaman mo lang yung ginawa niya kanina o kung masaya ba siya o medyo busy dahil sa work or school.

Once na pumasok ka kasi sa isang relasyon, may responsibilidad ka na sa karelasyon mo eh. Kaya sana, wag niyong hahayaang maghintay siya sa text mo o reply mo, o sa tawag mo o sa chat mo o sa tawag mo. Ikaw rin, baka masanay siyang wala ka.



About the author

jerwin-agaloos

I'm Jerwin Agaloos. . 21 years old and I also used Bitlanders to earn and to have friends

Subscribe 0
160