Sa akin ay Sapat na

Posted on at


Noong una palang kitang nakita
Ang puso ko'y nabihag mo na.
At sa pagdaan pa ng mga oras
Hindi namalayang wala na palang lunas.
Ang nadarama ng aking puso
Pag ika'y sa harapan ko'y nakatayo.

Masisisi mo ba ako
Kung ikaw ay minahal ko
Sa angkin mong katangian
At taglay mong kagandahan
Sayo ay may naramdaman.

Ngunit hindi ko ipipilit na
Sigaw nitong puso
Sapagkat sakin ay sapat na
Na alam mong mahal kita

At kung ikaw ay sasaya sa piling ng iba
Handa akong palayain ka
Sapagkat sakin ay sapat na
Na alam mong mahal kita



About the author

160