Sabog na Blog!

Posted on at


Pst, huy, ikaw!

Oo, ikaw na nagbabasa nito. Kung maka-pst hoy lang eh, parang nasa kanto lang eh no? Tambay lang ang peg? Kulang na lang eh walang suot na t-shirt with matching beer belly at gin na quarto kantos. Hahaha. Pasensya naman sa “Pst, huy, ikaw!” Nagpapapansin lang kasi.

Effective naman diba? Napansin mo naman talaga. Hahaha. Wala lang, mejo sabog pa ako sa antok eh. Alas tres na kasi ng madaling araw pero gising na. Hindi po ako tulad ni Riza na nag-aadik sa madaling araw dahil trip nya lang ng mabilis na internet. Hindi po ako ganung lebel.

Ang reason kung bakit nagising ako ay dahil nahulog ni cutie pie 1 ang stuffed toy nya at hinanap nya kaya syempre ang nanay ang tumayo na mejo sabog sabog pa sa antok para lang hanapin kung san nahulog ang stuffed toy. Kailangan gawin yun kasi pag hindi katabi ni cutie pie 1 ang stuffed toy niya, iyakan blues at kawawa naman si cutie pie 2 dahil magigising siya sa iyak ni kuya.

Kaya ayun, after mag-treasure hunting ng stuffed toy nawala na ang antok ko. Eh since nanjan naman si hubby at shift nya na magbantay (Oo, may shift talaga para fair. Modern na tayo no, hindi na puro babae dapat ang bantay sa bata. Eh bakit, magisa ko lang ba ginawa mga yan? Haha) naisipan ko eh di sisilip na din ako sa bit. At since tulog pa naman karamihan sa kukulitin ko eh naisipan ko na rin lang gumawa ng kalokohang blog.

So ayun na. Na-miss ko rin yung mga ganitong blogs na walang saysay at puro kalokohan lang. Si Hillary kasi eh. Pinapalabas ang seryosong writing mode eh. Ang sungit pa naman ng itsura nun, kahit positive review, nakasimangot pa din. Labo lang eh.... kasing labo ng blog na to. Toinks.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2980
160