SPARE TIME: Paano magagamit para umunlad ang buhay:

Posted on at


Meron nakadiskubre, na ang mga tao daw na mabilis yumaman ay meron 24 hours per day. Kaya pala ang bilis nila yumaman. Marami pala silang oras para magpayaman! Galing! Buti pa sila!!!
Pero teka, ilang oras ba meron ang mga tao na hindi yumayaman at mga nababaon sa utang? 
24 hours per day din! Weehh! Hindi nga?!? Kung pareho din pala ang oras nating lahat sa loob ng isang araw, bakit meron mabilis yumaman at bakit meron din patuloy na naghihirap at nababaon sa utang? 
Ang pinagkaiba ay kung paano gamitin ang TIME. Lalung lalo yung SPARE TIME.
Paano ba dapat ginagamit ang SPARE TIME natin? Dapat ba inuubos lang ito sa pagtambay maghapon? Ubusin sa panunood ng sobrang telebisyon at mga teleserye? Tama ba na gamitin ang iyong TIME sa pag-gasta at maghapong pagtambay sa mall, kain sa labas, at pagbili ng mga gadget na hindi mo naman talaga kailangan?
Samantala, mayroon namang mga tao na mabilis na umuunlad ang buhay dahil ginagamit nila ang kanilang SPARE TIME to earn ADDITIONAL INCOME. Ginagamit nila ang time nila to INCREASE their CASH FLOW at pagkakaruon ng sariling BUSINESS. Ginagamit nila ang extra time nila sa pagbabasa at pag-aaral to INCREASE their FINANCIAL LITERACY. Then, anumang EXTRA INCOME, ibinabayad nila sa utang para maging DEBT FREE. At after maubos ang utang, nilalagak naman sa SAVINGS and INVESTMENTS.
Kaya after basahin ang post na ito, mag-isip at magmuni-muni. Saan ba talaga natin ginugugol ang ating spare time? Gusto mo ba na unti unting mag-improve ang inyong buhay? O hayaan na patuloy malugmok sa hirap at mabaon sa utang. 
Kung gusto mong madagdagan ang iyong kaalaman, basahin pa ang ibang posts dito sa Usaping Pinansyal FB Page. Maaari rin mag-attend ng mga seminar about financial literacy. Maraming available FREE Financial Coaching session sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at ibang bansa. Register via the link below. Walang bayad. Walang binibenta. Attend ka lang at makinig ng isang oras. Marami kang matutunan


About the author

jerwin-agaloos

I'm Jerwin Agaloos. . 21 years old and I also used Bitlanders to earn and to have friends

Subscribe 0
160