Thank God

Posted on at


Dear Kabits,

                    Nung isang araw ay nagpost ako ng pic na duguan yung braso ko. Di na ako nagreply sa iba kasi same lang ang tanong eh(Click nalang sa link na eto sa mga hndi pa nakakita).Kaya eto ginawan ko nalang ng blog kung anong nangyari sa'kin nung monday.

                    Nung hapong iyon pupunta sana ako sa park para mag jogging pero pumunta muna ako sa M'luiller para kumuha ng CO ko galing coins.ph para may pang gym rin ako (balak ko kasing maggym after jogging). After q nakuha yung money nagtext yung barkada ko na nasa isang kainan raw sila at syempre pumunta ako para dumaan lang saglit. Pagdating ko dun saktong tapos na silang kumain, nagdecide sila na pumunta raw sa Bo's coffee. Sumabay nalang ako sa kanila kasi malapit rin naman dun yung park na pupuntahan ko pero ako ang pinadrive nila sa service nilang motor.

                     On our way to Bo's (oh english yan ah. Tinamad akong magtalog eh! Haha!), biglang umaambon pero ang laki ng droplets (naman droplets! Haha). Kaya binilisan ko ng konti ang speed ng motor, from 20 to 30 kph lang naman. Mahina lang yung takbo diba? Di kasi ako reckless driver lalo na't may nakasakay sa'king dalawang babae.

                     Going back, habang nag da drive ako may isang tricycle (motor single na may sidecar) na magcocross sana sa isang intersection pero nag beep ako around 10-15 meters away para malaman niya. Syempre umaambon at wala kaming payon kaya ko ginawa yun para di kami mabasa at syempre may karapatan kaming gawin yun kasi kami yung nasa highway. Yung si mamang naka tricycle eh tumawid talaga pero nung malapit na kami naghehesitate pang magcross. Pumagitna pa. Yun na! nag break ako at Boom nag slide ang motor na sinakyan namin. Scooter kasi kaya walang foot break. 

                 Buti nalang wala ay mahina yung takbo ko, if malakas yun eh siguradong babanga talaga kami kay mamang naka tricycle kahit pa nakabreak ako nun. Anyway, dahil ako yung nagdrive ako yung maraming gasgas sa braso at binti. Naipit talaga ako ha (motor at mga angkas ko). Eto yung pinakagrabe! Abay hindi man lang kami tinulungan nung mamang tricycle driver at pumaripas talaga siya ng takbo. Natakot siguro na baka makabayad siya sa damage at siguro wala siyang license kasi walang parang walang seminar eh.

                Pero kahit ganun yung nangyari eh nagpapasalamat parin kay God na walang nagkafracture(nabalian ng buto) samin, na eto lang yung naabutan namin, na walang sumusunod na truck or bus nung nangyari yun (imagine pag meron), at higit sa lahat na buhay pa kami. Kaya hinayaan ko nalang si manong driver sa ginawa nya at di na kami nagpa blotter (eh ang totoo wala rin naman akong driver's license. hahaha). Anyway, gasgas lang naman to, nakuha ko pa ngang mag push up after nun eh. ahahaha.

                                                                                                                                                     Nagmamahal,

                                                                                                                                                                   MIGI

oh ha! may separator echos rin akong nalalaman! HAHAHAH

Ai siya nga pala. Ambon ba tawag sa mahinang ulan? haha. Paki correct nalang sa tagalog ko. 



About the author

Migi

Hemodialysis Nurse

Subscribe 2533
160