The Naked Mile Escapade

Posted on at


Alam kong late na ito, kaya lang ngayon lang talaga ako ginanahan ulit gumawa ng blog. Sinipa ako kanina ng kasipagan eh. Kaya sulit-sulitin natin hangga’t nandito pa siya. ☺

Familiar naman na kayo sa The Naked Mile Challenge, ang pakulo ni Migi. Nakuha niya ang concept na yan dahil sa hubad kong avatar noong Christmas. Rebelde mode ako noong time na yun kasi wala akong pambili ng costume XD. Hindi ko na iki-kwento ang mga sumunod na eksena. Basahin niyo na lang ang blogs ni Migi ang Hotness Overload at ung naka blue sa taas ☺, at ni Ms. G ang The Challenge So Far. (Ayan, nagawa ko rin ang tip na binigay ni Ms. G sa blog niyang How My Blogs Helped Increase My Score haha. Dami kong na-promote.)

Dahil wala na akong story to tell, ipapaliwanag ko na lang ang bongga nating legend.

President – Pagbigyan niyo na ako dyan. Wala akong maisip eh. Haha. First time kong maging president sa isang ‘Naked’ Organization XD. Hanggang class mayor lang ako at third year highschool pa ako nun. Bongga di ba?!

Vice President – Dahil may President, dapat mayroon ding Vice President. At yan ang trabaho ni Miss G. Sinubukan niyang gumawa ng chart pero naging busy ata at di na niya nasundan ang connect the dots. At dahil may ginawa rin akong chart eh enechos ko na rin ang paggawa. XD

Founder – Ako man ang inspiration sa challenge na ito, si Migi naman ang nakaisip ng kalokohang ito. Kaya siya ang Founder. Brainy di ba?! Daming naiisip. Sige Migiboy, ipagpatuloy ‘yan.

All The Way – Obvious naman na ito ‘yung mga nag-undies lang. Ito ang mga KaBits na game sa challenge. Mga walang hiya. Hubad kung hubad. Naging positive naman ang feedback ng kanilang paghuhubad hehe. Dumami kasi ang subs nila nang mga time na ‘yun.

Half Way – May isa lang tayong halfway. Ang boy whoresome ng BitLandia. Ayaw niyang ipakita ang kanyang flat tits kaya salawal lang ang tinanggal. Though may mga humabol, close na ang bahay ni kuya. Haha

KJ – Ito ay ang mga Kill Joy. Yung mga ayaw maghubad dahil may inaalagaang name (chos). Pero masaya pa rin at big thanks sa inyo, nang dahil dyan mayroon tayong KJ sa legend. ☺

 

May separator echos din ako kung di mo pa napansin. Inggit much kasi kay Miss G. Hanggang dito na lang mga KaBits. Ipapatawag ko na lang kayo sa ating reunion haha. At pwede na pong magbihis ang mga nakahubad pa. Mukha atang inenjoy ninyo ang hubad na katotohanan. Isip ulit po tayo ng bagong kalokohan. ☺

 



About the author

krades

It is a scientific fact that 1 out of 3 people is ugly. Look to your right, then look to your left. If they are good looking, you are in BIG trouble!

Subscribe 1681
160