tips para matanggap si gf ng pamilya ni bf

Posted on at


i blog ko lang po kasi may naghingi sakin ng tips about this issue.. which happens na si GF na tinutuloy ko e girlfriend ng kapatid ng asawa ko.. nagtatanong xa kasi nung kinwento daw ni bayaw yung time na pinakilala ako sa family nila e gustong gusto nila ako..kasi feeling nya daw di xa bet ng family namin.. except me kasi ako npapakisamahan ko xa.. siguro dahil teacher ako. haha

so here are the tips ive given to her... kung meron pa kayo tips guys pa comment nlang baka sakali kasi makatulog din sa kanya.. 

TIPS:

1. magpakatotoo ka lang.. kung anu ka at sino ka yun yung ipakita mo

2. do not pretend.. do not hesitate..

3.pag dating sa bahay mag mano sa mga elderly.. kahit di kilala basta elderly mano padin dapat

4. batiin ang lahat ng magandang araw o kung anumang oras ka dumating (magandang umaga, tanghali, hapon o gabi)

5. pag sinabing kumain.. kumain ka kahit ang totoo e busog na busog ka.

6. wag mahiya kahit ang totoo e hiyang hiya ka na

7. kung nasan ang umpukan maki umpok

8. iparamdam o ipakita na interesdo sa pinagkukwentuhan nila makisabat kung kinakailangan haha

9. gumawa ng way para makapagsimula ng conversation sa parte ng pamilya

10. try tumulong sa simpleng gawain sa bahay example.. tumulong maglagay ng pinggan kung kainan at kung anu pa mang simpleng bagay..

11. wag pumunta sa kwarto na kasam si jowa habang ang lahat ay nasa isang lugar at nagkukwentuhan

12. wag yung parang laging si jowa lang ang nakikita or nag eexist sa paningin mo

13. pag uuwi mag paalam sa lahat kahit nkakapagod.. 

~~ so far eto plang mga tips na binigay ko sa kanya kung meron pa kau alam guys comment lang po.. 

tinutulungan ko si girl kasi ngpapatulong din sakin si bayaw kung pano nga daw magugustuhan ng pamilya ang gf nya.. haaayyyy!!! 



160