Ang Bagong Hillaria ng Bitlandia!

Posted on at


Well hello mga ka-bits! Para sa mga hindi nakakaalam, ako ay isang babaeng madaming pakulo. Wala naman akong masyadong napapala sa mga pakulo ko, masaya lang may pakulo, kahit na minsan eh nawawalan ako ng time gawin yung sarili kong ka-eklatan, tulad nung chinese new year eme. Hindi ko natuloy. Hahaha. Saree. Malay niyo gawin ko pa din kahit late na… hmm, tignan natin pag hindi ako natamad hehe.

 

Anyway, ang bagong pa-spice ko sa buhay bitlandia ay eto: Magpapaka-Hillaria ako. Oo, ako ay magrereview ng tagalog blogs. Ang bonggels diba? Hinire ba ako ni bit para gawin ito? Hindi. Sabi ko sa inyo puro pautot lang ako eh. Actually, na-suggest ito ni krades sa isang blog ko. Chekin nyo comment niya. Antagal na niyan. Eh delayed reaction ako eh, bakit ba.

 

So anyway, kung gusto mong ipareview ang iyong blog eh sabihin mo lang. Madali naman akong kausap. Ay teka, ako nga pala ang pinay version ni Hillary, dapat pala strict. Oh sige, ito ang rules ko sa pag-review ko ng tagalog blogs:

  • Dapat blog na tagalog, bawal MB, gallery o movie. Blog lang, at dapat eh Tagalog. Pwede ding beki or taglish pero bawal ang jejemon. Please lang!

  • Bawal ako pahalungkatin ng sobrang daming blogs. Kung may ipapareview kay kay G2, siguraduhing isa siya sa latest 10 blogs mo. Wag naman yung tipong naubos na oras ko sa bitlandia kakahanap lang sa blog mo. Ano ba!

  • Bawal akong madaliin kung kailan ko matatapos ang review. Kung kailan ko feel tsaka ko irereview. Busy ang life ko eh, mas busy pa kay Hillary! At kung hindi ko din feel i-review, eh di saree! LOL

  • Walang gems na kapalit ang pag-review ko, at dahil dun, wala ding buzz bonus pag natuwa ako sa blog mo. So anong mapapala mo? Wala lang din. Hahaha.

  • Bawal seryosohin ang review ko. Ito ay katuwaan lang so kung gusto mo ng makatotohanan at seryosohang review, eh asa ka pa! Mas mabuti pa kay Ballz mo na lang yan ipareview.

Oh di ba! Ang shoray ng rules! I love it! Oh ano, ready ka na ba na i-review ko ang blog mo? Go na, sulat mo lang kung ano yung title ng blog na ipapareview mo! Bonggels!



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160