Babae, Sinampal At Pinakain Ng Leggings Ng Boyfriend

Posted on at


 

Eto lang naman usapan namin ng boyfriend ko kanina. Nabanggit ko kasi kung sino mga makakasama ko sa apartment pag nagstart na ang review kasi tinanong nya. Aba at bonggang bongga ang reaksyon. Oh diba ang dami nyang bilin? Pero kasabay nung bilin nya, laging may "sasampalin kita". With matching ipapakain pa daw sakin mga leggings ko. Ang sweet. Hahaha!

Ayaw na ayaw nya sa mga leggings ewan ko ba at may allergy ata sya don. Bawal din maikling shorts. Aba eh magsusuot nalang ako ng Sako ng bigas kung ganon para wala syang masabi! Haha. Boyfriend ko na ata pinakaprotective sa lahat.

Naalala ko pa dati, naglalakad kami tapos nakapayong kami. Nung nadaan kami sa grupo ng kalalakihan, tinakpan nya ko ng payong. As in, di bale nang masunog kami sa init ng araw, wag lang akong masilayan nung mga lalaki. Oh diba naman? Tapos kuntodo deny pa na hindi daw nya sadya! Haha echuserong frog. =)))



About the author

jie-hernandez

A petite Engineering student with big cheeks and bigger dreams!

Subscribe 0
160