Mga Komento ni Hilaria

Posted on at


Ngayong araw, sinubukan ko nanamang gisingin si "The writer in me". Ginawan ko ng blog ang tungkol sa pag-iipon ng barya ng mga batang nasa klase ko. at dahil hindi ko pa nasusubukang magsubmit ng blog na ipapareview, naisipan kong subukang ipasa ang kagagawa kong blog. 

May 8 gems pa akong natitira, alam kong kulang pero pikit mata ko pa ring pinindot si "Submit for Review". Toinks! Aray ko po! 20 gems daw ang kailangan para mareview ang sinulat ko. So punta ako sa shop pagtingin ko sa presyo, nanay ko po kulang pa earnings ko. Pero dahil desidido akong subukan ang pagpapareview, pikit mata kong pinindot ang paypal account ko. (Tehehe, pikit mata talaga) Ayun gumastos ako ng $1.96 para sa 25 gems.

Hindi ko iniexpect na pagtutuunan agad ni Hilaria ng pansin ang blog ko. Sa mga nabasa ko kasi sa mga kafriendship dito sa Bitlandia 3-4 days bago mareview. Kaya laking gulat ko nang paggising ko at binuksan ko ang phone ko bumulaga si Hilaria. OMG! Ano kaya ang resulta. Ang unang pumasok sa isip ko dapat sa laptop ako nag-open para macapture ko siya screen per screen pero wala e. Tuloy wala akong mailalagay na pics dto.

So ayun, I have reviewed... Your article is a high quality one...Phew! Dito pa lang nakahinga na ako ng maluwag. Sumunod, your tagging was poor... Alam ko relate na relate kayo dito. Ano kayang tags ang hinahanap nya no? Over all I give you 3 stars... Yipee! ganun pala ang feeling. So next time uli, kailangang mag-isip uli ng magandang topic, pero mag-iipon muna ako ng gems.

Salamat sa pagbabasa. (^_ ^)

                                         


TAGS:


About the author

denizee

One with a positive outlook..

Subscribe 0
160