Ang Bagong Part Timer. Double Bow.

Posted on at


O ha, back to back blog fest! Ang bonggels! Ako na ang atat mag-blog. Bakit ba eh sa na-miss kong gawin to eh. Ganyan talaga pag matagal ng hindi ginagawa ang isang bagay, pag nagka-chance ka na gawin siya ulit, atat na atat ka na at gagawin mo na ng paulit-ulit dahil na-miss mo na siyang gawin, tulad ng... Uhm, basta. Ayoko na ituloy ang sentence na yun kasi papansinin nanaman nila Migi at Krades. Basta kalokohan parang parating present ang dalawang yun eh.Para silang may spider sense pero sa kapilyohan.

Anyway, itong bago naming part time baby sitter, mabait naman. (Kung gusto mo malaman ang nangyari sa dating part timer, pwede mong basahin ang blog na itey. Click on the link if you want. Kung gusto mo lang ate/kuya. Hindi yan requirement hehe) So masaya na rin kami sa bagong baby-sitter, kaso lang mejo halata na kamag-anak siya ni ateng miunes (click mo name ni ateng kung gusto mo malaman kung sino siya sa buhay namin haha.) Ito na po ang mga bloopers niya so far…

  1. Naguluhan ako kasi sabi niya hindi daw nya ginamit towel ni cutie pie1. Ito ay dahil nahanap nya na raw yung bat rub ni cutie pie... BATH ROBE yun teh.
  2. Sunod na araw naman, sabi nya akala nya daw hindi dapat hinahayaan ang bata magtamsak... THUMB SUCK ang ibig nyang sabihin.
  3. Pero in fairness, kinakantahan pa nya mga cutie pies... Yun nga lang "I have 2 hands, da lep and da rye. Hold I'm a hi, so clean and bright" ang kanyang mga lyrics.

Hala, ang bad pala ng blog na ito no. Wagas maka-lait. Magpapakabait na nga ako sa susunod kong blog, baka hindi pa ako mabigyan ng chocolate ni easter bunny nito. (Oo, tapos na tayo kay Santa, hindi naman na December no!)



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160