Baka Sakalin Ako Nung Gumagawa ng Tarp

Posted on at


Shems!!! 

Ops, napansin nyo ba napapadalas na pagsabi ko nito? Mejo pumalit na siya sa dating favorite word ko na "bonggels"... teka ano nga bang sinasabi ko? Ay oo! Yun, shems! Kasi ngayon ko lang narealize na mejo demanding pala talaga ako. Feeling ko kasi dati napaka-chill chill ko lang na tao na madaling kausap. Sabi ni hubby feeling ko lang daw yun. Ako daw yung tipong at first parang hindi demanding ang dating pero metikulosa pala. 

Shempre nung sinabi ni hubby yun ayaw kong maniwala. Kasi naman heller, sa aming dalawa siya kaya yung sobrang strikto. Masungit na supladito ang effect na parati ko namang napapa tawa (ewan ko kung napipilitan lang siya dahil asawa niya ako at no choice na siya hahaha). So compared sa kanya, feeling ko ang chill chill ko na.

Pero ngayon ay nadiscover ko na may point din pala si hubby. At ito ang dahilan: nagpagawa kasi ako ng tarp for some etchos event, sabi nila mag e-mail lang daw ako ng kung ano pa gusto kong ipagawa. At yun, doon sa e-mail ko na-realize na napaka etchusera ko pala. Eh kasi naman, ito ang itsura ng e-mail ko:

Hi ito yung kasabay na tarp para dun sa [insert etchos event ni g2 dito]!

Hindi ko na ilalagay kung ano yung mga words na pinaprint ko doon sa print shop, derecho na lang tayo dun sa other instructions ko:

Other instructions:
  1. Dapat yung tarp ay exactly 6ft x 3ft
  2. Color ng background dapat yung lighter version ng orange (yung parang peach na)
  3. Color ng text very light blue (almost white) with black outline, except yung name, black na lang yun and bigger size and bold letters compared sa ibang text, kayo na bahala sa font, wag lang comic sans please hehe.
  4. Yung sa colors, pwede namang hindi ganun exactly pero pa-try na lang kung alin yung maganda tignan.
  5. Nakaattach here yung mga photos. Hindi ko alam kung ilan ang kasya sa tarp so nag-attach na lang ako ng 5 pictures dito sa email na to, kayo na bahala magpili which pictures ang isali, although mas gusto ko sana masali talaga yung DSC00080  and DSC00094. Pero please try ipagkasya lahat ng pics if possible.
  6. Pakilagyan ng borders each pic and yung tarp na din mismo. White border na lang but if hindi kita against the background yung white, kayo na bahala what color basta may border.
  7. Please e-mail before printing para ma-check ko lang if may corrections.
Salamat po!
So ayun, doon nagtatapos ang e-mail ko sa "salamat po" with exclamation point. Nakakaloka no? Meron pang "please", "paki", "if possible", "kung pwede", pero halata pa din na maarte at demanding eh. Hahaha. Shems, siguro yung gumagawa ng tarp gigil na gigil na at gusto na akong sabihan ng "Grabe ate, ikaw na lang kaya gumawa! Mas marunong ka pa sa akin eh!"
Actually naisip ko kung ako makatanggap ng ganyang request maiirita din ako, pero sana pagbigyan ako ni kuya/ate na gumagawa ng tarp, the customer is always right naman diba? Hehe.


About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2980
160