Basta mahal kita sapat na! <3

Posted on at


 

| Photo from google |

| Language: Tagalog |

 

Wag mo akong piliting itanong 
ang mga bagay na alam mong 
kikiligin ako sa sagot.

O ang mga bagay na 
mapapaisip ako ng sobra 
habang tumataba ang aking puso 
sa lambing.

Kahit ang katotohanang mahal kita 
dahil ibabalik mo ng tatlong ulit 
ang tamis sa iyong sagot.

Kung minsan naisip kong 
nilalaro mo lang ako para lumipas 
pero nadarama ko na minamahal 
mo akong tunay sayong laro. 

Wag mo akong pilitin na sabihin 
mga nakikita ko sa iyo 
dahil kahit ako sa sarili 
ay di sasapat ang paliwanag 
para ihayag ang iyong 
kagandahan,kabutihan at karunungan.

Mahal kita 
sa di ko alam na dahilan. 
Basta mahal kita. 

 

Thanks for reading :)


TAGS:


About the author

160