Epokrito

Posted on at


| Language: Tagalog |

 

Mga ahas na nag papanggap na tao
Nag lilinaw linawan kahit malabo
Tinatago ang kaliskis
Sa kunyareng balat na makinis.

Taong bait baitan 
Kunyare mabuti ang kalooban
Palaging laman ng simbahan
Puro naman ka Epokritohan.

Para daw sa diyos ginagawa
Mas nalulugod pa nga ang diyos sa tala
Dala ang bibliya 
Habol lang naman ay pera.

Itim na tinago sa pute
Hinahalay pa ang mga babae
Wag kami iba nalang pare
Banal siya kunyare.

Pag magdasal daig pa santo
Pag tinggal ang maskara siya naman ay diablo 
Inaaya mo pa ako sayo ay sumama
Ang dumi naman ng iyong bunganga.

Wag ka ng banal banalan
Wag ka ng bait baitan
Si Kristo daw ang kanyang dala
Habol lang naman niya ay pera.

 

Thanks for reading :)



About the author

160