Current Events Daw

Posted on at


O ha! Feel na feel ko ang GIF trend ditey sa bitlandia. Pagbigyan niyo na ako ang tagal ko na hindi nagbblog eh. Saree, you know naman busy ang life, ni hindi nga ako makadalaw sa inyo ng maayos eh, makakabawi din ako, ang tanong lang is kailan, hehe.

Anyway, dahil ayoko naman magpaka-SPG habang holy week, eh current events na lang pagusapan natin. Ito ang cover ng Esquire na nakita ko sa national bookstore: 

Siyempre pinicturan ko lang yan, hindi ko binili. Haller, mejo tight na nga ang budget bibili pa ako ng magazine na may fezlak ni Rody Duterte? Haym sorry pero pass ako jan. Sa mga hindi nakakakilala kay Rody (ganyan talaga spelling niyan, hindi po yan Rudy), si Rody D. (oh di ba parang pangalan lang ng rapper "Wazzup Rody D! Rody D in the hood yo!") ay tito ni Riza. As in kapatid siya ng nanay ni RIza. 

Yung last statement ko po ay pawang kasinungalingan, baka kasi umalma si Riza. Gawin na lang natin siyang tito ni Jean. Haha! Pati si Jean dinamay eh. Hindi, ang totoo talaga niyan eh mayor po namin siya here sa lungsod ng Davao. Ayan trulabelles na talaga yan. As a mayor, ok naman siya, hindi perfect pero ayos na. Na-mention ko na siya before sa blog ko. Click mo na lang link kung trip mo pang magbasa ng mga kalokohan ko.

Going back to Rody D., andami kasing tsismax na tatakbo daw siya as president, pero so far nega star si Rody D. sa mga tsismax na iyon. Hindi daw siya tatakbo as president. So ayun lang, yun lang naman ang current event na gusto kong i-share. Ang labo no? Alam ko marami pang mas importanteng current events pero si Rody D. lang kasi pwede kong gawan ng blog na hindi sobrang seryoso. Atsaka gusto ko lang talaga ng excuse para mai-share yung pic ng magazine. May surpresa kasi jan sa pic na yan eh. Nakita mo ba? Ito oh:

Nakita mo na? Hahaha! Oh diba may pouty lips pang nagphotobomb sa pic! Sino itey? Ang sagot ay hindi ko din alam. Si ateng pouty lips ay natripan lang yata mag-pouty lips sa kalagitnaan ng national bookstore. Bonggels. Buti na lang eh hindi nakuha buong fezlak niya at baka na-trending pa siya. Haha. Etchusera!



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160